Chapter 23

4.7K 153 59
                                    

A/N: Unedited, slight R18 at Tantrum ni Kalea dahil sa hormonal waves. Charis! haha!







Gianna Kayein Lèandre

Week passed..

"Mommy.." Umiiyak na tawag ni Jullianna sa mommy nya. Kinarga ni Kalea si Jullianna saka pinatahan sa pag-iyak.

Jullianna was doing well and will be discharged tomorrow. Dumating din ang mga magulang namin ni Kalea from Philippines at during my daughter's recovery katuwang namin sila na magbantay at mag-alaga sa anak ko.

"Jullianna..anak.." lambing ko sa anak ko saka ko sya nilapitan at hinaplos ang likod nya.

Kakargahin ko na sana si Jullianna kaso ayaw nyang sumama saakin. Nakakapit lang sya sa mommy nya habang umiiyak.

Parang dinurog tuloy ang puso ko dahil malayo ang loob ni Jullianna saakin. Kay Dad, Doc Lee at kay Doc Choi lumalapit sya dahil kilala nya. Kina Shannon, Eirine, Levi at ang lahat kilala nya. Ako lang talaga naiiba sa paningin nya, kaya sobrang nasasaktan ako.

"Hunnie, Jullianna isn't very well yet, kaya sya ganyan. As soon as she gets better, siguradong lalapit din sya sayo. We should take it one step at a time, don't rush her." Paliwanag ni Kalie.

"It's alright, Kalie. I will never stop introducing myself to Jullianna. Di pa late para magkalapit kaming dalawa." Saad ko naman. But deep inside, I felt so depressed every time Jullianna pushed my hand away from her. Ang sakit sa dibdib. My only daughter, my life.. pero hindi nya ako kilala.

"Jullianna, She's your Dada.. say hi kay Dada, dali na anak. Love ka ni Dada, She gave you blood to make you feel better. Hug mo na si Dada." Saad ni Kalie. Nakatitig lang saakin si Jullianna habang namumugto ang mata nya kaiiyak, namumula din ang pisnge at ilong nya kaya ang cute nya kahit iyakin sya. Sinubukan ko ulit na mag-approached pero yumayakap lang sya nang mahigpit kay Kalie saka iiyak.

"Wag na natin pilitin Kalea, makikilala din nya ako pag palagi nya akong makikita.."

Di na nakaimik si Kalea. I sat on the couch and watched them two.  Just then, someone knocked on the door. At pag bukas ng door ay pumasok ang nurse na incharged kay Jullianna, kasunod ang dalawang bodyguard na Spaniards. Kaya nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka kung bakit may mga bodyguards?

"Señorita Kalea, Marquess Maximo is here." Saad ng isang bodyguard.

Nahintuan si Kalie saka sya napatingin saakin. Hindi agad sya nakapagsalita at parang nag-iisip pa sya kung papatuluyin nya ito.

"G-get him in.." mahina at nauutal na sagot ni Kalie. Agad na lumabas ang bodyguard at ilang saglit lang muling bumukas ang pinto.

Isang matipono at gwapong lalake ang pumasok dito sa room. Halata sa muka nya ang labis na pag-aalala.

"Mi Alma Kalea, how is Jullianna?" Nag-aalalang tanong ng lalake.

Nakatingin lang ako kay Kalea at sa lalake na nag ngangalang Maximo. Nakikinig sa usapan nila.

Actually, I know this man. He is the offspring of the Duke of Santillana. In the Grandest of Spain, they hold the third spot in terms of power. He is Marquess Maximo Hermani, one of my Dad's VVIP clients. He is the top investor of the Lèandre Yacht Club, which was founded by The Lèandres Ocèano La Corporacion, na pagmamay-ari ng  father ko na si Lorenzo Lèandre.

If my memory serves me right, sila ang nagmamay-ari ng malalaking Medical Universities sa City of Barcelona, Madrid, Balencia, Cadiz at Alhambra. The Unibersidad de Granada, Facultad de Medicina was also founded by Marquess Maximo's ancestors. Where did Kalea finish her medical school studies?

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now