Chapter 4

4.2K 135 41
                                    

⚠️Trigger Warning⚠️: This chapter overly dealt with physical violence.



Arcane Kalea Lee

I shared my thoughts on the 'Love Forum'. A forum that I have participated in since high school. Dito ako madalas mag open ng mga concerns ko at magbibigay naman ng advices ang mga members na naka-joined sa forum, pero hindi namin kilala ang bawat isa kaya malaya kang makakapag-sabi ng lahat kahit personal matters pa. Sa ngayon may gumugulo sa utak ko, kaya naman ng post ako forum. Curious kasi ako sa opinions ng mga tao about random questions na nagpapagulo sa utak ko.

Gusto ko lang naman malaman kung bakit mas naappreciate ni Yain si Nerdy kaysa sa magandang version ko? I don't really understand, yet I was so confused kung paanong may mga tao na mas prepared nila ang exotic beauty kaysa sa mga magaganda talaga.

Pagkapost ko, agad akong nakatanggap ng mga notifications.

[Gina_Cool: Maybe mas comfortable sya sa mga average girl kaysa sa mga masyadong maganda na babae. Thank me later!🥰👋]

[Chupapabol: Interesting! Baka mas hilig nga nya ang exotic beauty. Lol🤣]

[Kenan_tot220: Maybe she likes you more without make-up. Hindi ko lang sure. Haha!😂]

[Cheese_Mosang: Ibang-iba ba ang face mo pag walang make-up? Send pics naman. Hehehe."]

Nilapag ko ang cellphone ko saka Napabuntong hininga, parang wala akong nakuha na matinong sagot except sa unang nag comment.

Nagpunta sa banyo para maghilamos. Grabe may bagong pimples nanaman. Di ko nanaman napigilan ang sarili ko. Pinisa ko nanaman yung mga bagong tubo na pimples.

"Damn this acne! it reminds me of everything I've been through!" Gigil na sabi ko sabay popped sa mga ito.

Pagkatapos ko maghilamos ay humiga na ako sa bed ko habang nag titingin ng mga comments sa Love Forum. Nag check din ako sa Stargram ko. Teka may bago akong followers! Agad kong tinignan kung sino-sino sila. Omg! Si Willow and Patrice!

Nag follow sila!. Walang pagdadalawang isip akong nag follow back. Hindi ako makapaniwala na nagfollow ang Eros members sa Stargram ko. Kinikilig tuloy ako. Ang layo na talaga nang nararating ng ganda ko.

Kinabukasan maaga akong gumising para mag-prepare sa pagpasok sa school.

"Ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni Mommy.

"Good morning mom, yes po maaga akong papasok ngayon sa Cafe Bianca nalang ako mag bebreakfast."

"Oo nga pala Kalea, ikaw tigilan mo na ang pagpunta sa bar, akala mo hindi ko malalaman na nakikipag inuman ka doon? Hindi kana nahiya sa Dada mo talagang dinaig mo pa!." Sermon ni Mommy.

"Mom, mamaya mo na ako sermonan pag uwi ko. Nagmamadali ako." Sagot ko na mas lalong kinainis ni Mommy. Bago pa man magsalita si Mommy ay mabilis akong naglakad palayo sa kanya.

Nagtungo ako sa parking lot para kuhain ang sasakyan ko. Ang tagal ko din na hindi nakapag drive. Kinakabahan tuloy ako. But so far, so good. Nakarating naman ako sa Cafe Bianca nang safe.

Habang naghahantay ako ng order ko na sandwich, kinuha ko ang compact mirror ko para tignan ang face ko. Minsan gusto ko na din mag make-up pagpapasok ng school kaso pagmalaman nila na yung Stargram star na si Vodka at si Nerdy Kalea ay iisa, baka mas lalo lang akong ibully. Naalala ko tuloy yung sinabi ng kapatid ko.

'Scammer ng muka!'

Haist.. ayoko na isipin yun. Nakakastress. Scam ba talaga itong ginagawa ko? Bahala na nga basta kahit anong mangyari hindi ako aamin na si Vodka at Kalea ay iisa. Mananatiling lihim ang lahat habang nabubuhay ako sa mundo.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now