Chapter 19

3.8K 131 39
                                    

A/N:Unedited





Arcane Kalea Lee

Pagdating ko sa bahay namin, tuwang tuwa si Mommy and Dada na sinalubong ako. Kahit si Sharpay agad na yumakap saakin nang makita nya ako. On vacation din kasi sya ngayon. Napansin ko din na may kasama Sharpay na girl at nagpakilala sya na Athena ang name nya. Kaibigan daw sya ni Sharpay at roommate.

Napatingin ako kay Yain. Nilapitan kasi sya ni Dada para yayain na mag dinner kasabay namin. Si Mommy agad kong sinabihan na wag munang babanggitin yung about kay Jullianna Stella dahil hindi pa talaga ako ready, kelangan ko munang humugot ng maraming lakas ng loob. Dahil pag malaman nyan ni Yain yung about sa anak nya siguradong magwawala yan. Kilala ko yan, baka kung ano pa magawa nyan sa Daddy nya.

Infairness naman kay Yain mas lalo syang gwumapo. Lalo na ngayon na nagpagupit sya ng maikli at yung katawan nya mas masculine kaysa noon. Sayang hindi nga lang sya kamuka ng anak nya. Si Jullianna kasi mas kamuka ni Mommy Happy. Ulti mo yung mole nila sa gilid ng mata nila parehas. Pero pag matagal mo naman titigan si Jullianna nagiging hawig narin sya ni Yain. Parehas kasi sila ng color ng mata tapos si Yain may lahi pa kaya kahit papaano si Jullianna mahahalata mo na hindi pure asian. Mahilig din pala kumanta ang anak ko, na namana nya kay Yain.

"Kayein, sumabay ka na saamin mag dinner." Pag-anyaya ni Mommy.

"Nako Mommy, may duty pa yan si Yain. Diba Yain? Ingat ka ah.. wag kang magpapagutom Hunnie."

"Ate, hindi naman ikaw ang tinatanong kundi si Ate Kayein." Saad ni Sharpay.

Di umimik si Yain, halatang wala sya sa mood. Nasampal ko kasi sya kanina. Napatingin ako sa kanya, tinignan nya din ako ng seryoso pero halatang galit. Hay nako. Hindi na ako takot sayo Kayein kahit na kasahan mo pa ako ng baril. Bwisit ka apat na taon este limang taon din pala. Ganon katagal akong naghirap na magpalaki sa anak nya nang mag-isa. Daig ko pa ang ibon na nasa hawla na nakakulong sa Alhambra.

"Ano nangyari sa pisnge mo Ate Kayein? Bakit namumula yan?" Tanong ni Sharpay.

"Ah.. wala lang to.. sige na po, aalis na po ako. Kelangan ko pang icheck kung okay lang si Violet Belle."

Muli kong sinulyapan si Yain. Si Violet Belle? Bakit nya kelangang icheck si Violet? Nagkalad na sya palabas ng bahay pero mabilis akong sumunod sa kanya. Bago pa man sya makalabas sa gate namin ay naabutan ko na sya.

"Bakit mo kelangan icheck si Violet? Anong meron sa inyo?" Seryosong tanong ko.

"Ano bang pakialam mo Miss? Aalis na ako dahil siguradong hinahantay na nya ako."

Hinawakan nya ang kamay ko saka yun tinanggal sa pagkakahawak ko sa braso nya. Tuluyan syang lumabas ng gate at nakita ko na may nag-aabang na SUV na white sa labas. Napabuntong hininga ako, napatikhim. Sila ba ni Violet? Akala ko ba buntis si Violet dahil yun ang sabi ni Mommy saakin. Don't tell me na si Yain ang nakabuntis sa kanya? May shaft pa naman itong si Yain. Moron ba sya? Magpinsan kami ni Violet Belle. Ano nalang kami ngayon pag mag-kaanak sya saaming dalawa ni Violet? Omg! Di ko ma-imagine.

Kinabukasan, nagtungo kami sa bahay nila Tito Harry and Tita Lorraine dahil may pa-welcome party sila para saakin at farewell party naman para kay Hunter. Made'deploy na kasi sya sa Iraq to fulfill his Golden duty.

Busy ako na makipag-chikahan sa mga relatives ko. Ang init ng pag-welcome nila saakin at pinaramdam nila na namiss nila ako. Tinatanong nila ako about sa journey ko sa Spain at kung bakit walang akong paramdam sa kanila. Syempre ako itong si bida-bida kunwari masaya ako sa España. Ang hindi nila alam ang lungkot ng buhay ko doon. Pasalamat na nga lang ako dahil itong si Bakla kasama ko, nag-iisang friend ko sa Alhambra. Anyway wala pala sa Spain ngayon si Bakla dahil naimbitahan sya ng Vouge sa Paris para sa Dior runway fashion week.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now