Chapter 24

4.6K 145 46
                                    

A/N: Unedited.





Arcane Kalea Lee

Wala ako sa mood. Wala akong gana kumain at mainit ang ulo ko dahil kay Yain. Hindi parin ako nakaka-move on sa Latina na lumalandi sa kanya kagabi.

Walang hiya sila kung hindi ako dumating on time edi nag hanky-punky na sila nang babae na yun. Buti nalang talaga napaamin ni Bakla si Levi kung nasaan sila.

Alam ko na iniisip ni Yain na ako din naman may boyfriend pero kahit naman may boyfriend at engaged ako, hindi ko naman nagawang makipag-chukchakan kay Maximo. Doodle-doo lang ni Yain ang naka-enter sa hole ko. Kaya bwisit sya.

Pagtungo ko sa living room, nakita ko si Mommy na nagbabasa ng libro habang umiinom ng tea.

"Ano na nangyari sayo? May sakit ka ba?" Tanong nya nang mapatingin sya saakin. "Kanina ka pa hinahantay? susunduin nyo pa si Jullianna." Dugtong nya.

"I know Mom, inaantok pa kasi ako. Kung bakit ba kasi ganito kaaga."

"Puro reklamo. Hala sige! Larga na kanina pa naghahantay sayo yung mga tao."

Napabuntong hininga nalang ako saka walang kasigla-siglang naglakad papunta ng main door, pero bago pa naman ako tuluyang makalabas ay nagsalita ulit si Mom.

"Oo nga pala Kalea, lalabas kami mamaya ni TJ para magshopping ng mga dadalhin sa pilipinas. Baka may gusto kang ipabili sabihin mo na para maisabay na."

"Wala Mom.." Matipid na sagot ko. Tumango naman si Mom at saka sya muling nagbasa ng libro. Kaya lumabas na din ako.

Habang nasa biyahe kami papunta ng Hospital, napatanday ako sa balikat ni Dada. Hindi ko mapigilan ang mata ko, sobrang nakakaantok. Pinikit ko ang mata ko saka ako umidlip. Nang magising ako ay nasa Ospital na kami. Kanina pa pala si Yain dito at naayos na din nya yung discharged form ni Jullianna. Wala naman kaming binayaran sa hospital dahil naka platinum health insurance si Jullianna. Kaya mabilis lang naayos ni Yain ang lahat.

Nagtungo kami sa coffee shop para magpalamig. Buti nalang hindi na umiiyak si Jullianna pag nakikita si Yain. Hindi kagaya kahapon ayaw sa kanya lumapit. Maigi na maging close silang dalawa para mauutusan ko si Yain na magbantay kay Jullianna pag inaantok ako.

"Mommy!" Tawag ni Jullianna dahil gusto nyang lumapit saakin.

"Baby... My happy girl." Nakangiting approach ko. Ang cute ng anak ko, mana saakin. Kamuka ko sya pag tumatawa. Hinalikan ko sya sa cheeks at saka nya saakin pinakita yung manika na hawak nya. Mukang bago yun.

"Who gave you that bunny peluche, my baby?"

"Dada gave me this, Mommy.."

Napatango ako saka ngumiti. Tinawag na nyang Dada si Yain. Okay yan para naman matuwa ang Dada nya, naawa din ako kay Yain pag nilalayuan sya ni Jullianna. Alam ko na nasasaktan sya. Gusto lang naman ni Yain ang tawagin syang Dada ni Jullianna at maging close silang dalawa.

Nag order muna kami ng coffee at nag-usap, next week kasi babalik na ang mga magulang namin ni Yain sa Philippines at pati sila Shannon uuwi na din. Yun ang narinig ko sa usapan nila dahil may bagong assignment na ibibigay sa kanila si Chief General. Nalulungkot ako, kasi ang tagal naming magkakasama nila Shannon dito sa Alhambra. Imagine simula dumating ako dito sa Spain sya na ang nag-alaga saakin hanggang sa manganak ako at hanggang ngayon hindi nya kami iniwan ni Jullianna.

Kahit na palagi kong pinapagalitan si Shannon dahil hindi nya ako sinusunod, hindi naman sya nagkulang saamin ni Jullianna. Ginawa nya ang trabaho nya hanggang sa huli. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi nya noon saakin. Hindi daw nya kami iiwan ni Jullianna hanggat hindi si Yain ang papalit sa kanya para magbantay at mag-alaga saamin ng anak ko. Naiiyak tuloy ako. Mamimiss ko silang tatlo.

Unspoken Beauty (Intersex)Where stories live. Discover now