Chapter 20

4.1K 136 42
                                    

A/N: Unedited. Sequel to sa purgatory love. At highlights ng duty ni Yain. Tinatamad na ako I check kaya kung may error baka bukas ko na mabago haha!



Gianna Kayein Lèandre

"Dad, ako nalang, wag na si Lieutenant Blaire."

"Magpapakamatay ka ba Kayein? Ni hindi nga umubra ang Military sa mga Syndicate na yun. Ikaw pa kaya?"

"Sige na Dad, gusto kong magpadeploy. Handa ulit akong pumasok sa trainings under ng Military division."

"Hindi ako papayag Kayein. Sobrang delikado, yung mga undercover spy natin hindi na nakalabas. Ngayon kelangan namin pumili ng isa sa Delta na magiging destruction kapalit ng mga kasama nyo at ng mga victims."

"Ako nalang gawin nyong sacrifice. Tutal anak nyo naman ako. Tayo lang naman ang pamilya dito. Kaya kung mamatay man ako sa mission ikaw lang ang maluluksa."

Hindi nakapagsalita si Daddy. Isa kasi saamin ni Blaire ang pinagpipilian na maging sacrifice ng Delta Intelligence para gawing distractions sa mga sindikato. At kung ako man ang mapipili ready ako na maging bait at mamatay kapalit ng nakakarami.

Pero si Dad parang pinipigilan nya na mangyari yun. Nasa isang mission kasi ngayon ang mga ka-platoon ko sa ilalim nang pamumuno ni Command Major Greg. Nawalan na sila ng signal at hindi na namin sila makausap kaya kelangan naming kumilos para mailigtas sila pati narin ang mga victims.

"Kayein, ginagawa ko ang lahat para hindi ikaw ang maging sacrifice. Gusto kong mabuhay ka. May dahilan pa para mabuhay ka." Seryosong saad ni Dad.

"Bakit si Blaire ba walang dahilan para mabuhay? May magulang sya na naghahantay sa kanya, may kapatid sya at mga kamag-anak na nagmamahal sa kanya. Kaya Dad, please... Promise, sisiguraduhin ko na makakaligtas silang lahat kapalit ng buhay ko."

"No!" Mahigpit na pag-disagree nya.

Gusto ko nalang ibuhos ang panahon ko sa duty. Ibuhos ang buong oras ko sa paglilingkod sa bayan. Tutal ito naman ang naging kapalit kaya nawala saakin ang taong mahal ko kaya bakit hindi ko pa ibigay lahat?.  Kinuha ko ang susi ng car ko saka ako nagtungo sa Intelligence Unit Facility. Pagdating ko doon, nakita ko si Blaire na nakaupo sa cafeteria, mukang malalim ang iniisip nya kaya nilapitan ko sya.

"Lieutenant..."

"Oh, ikaw pala Sergeant Kayein." Matipid lang syang ngumiti. Pero halata sa mga mata nya ang lungkot.

"Isa saatin dalawa ang magiging sacrifice.. kinausap ko si Dad, sinabi ko na ako nalang."

"Bakit mo ginawa yun Sergeant? Kung may dapat man na magligtas sa kanila, dapat ako yun dahil ako ang Lieutenant nyo...Basta Sergeant Kayein, kung ano man mangyari saakin sa mission. Pakisabi kay Violet na ingatan nya sila Dada at Mama. Wag na sya magpapasaway gaya ng ginawa nya noon.. pakisabi din kay Katelyn na matuto syang tumayo sa sarili nya. Alam na nya yun palagi ko naman sa kanya sinasabi na hindi lahat ng oras magkasama kami para protektahan ko sya."

"Wag ka magsalita ng ganyan Lieutenant, ikaw man ang mapili na sacrifice, babalik ka naman diba? Marami pa tayong mission na gagawin."

"Ewan ko ba Sergeant.. sobrang nag-aalala ako para sa mga kasama natin ngayon. Hindi ako matatahimik kung hindi mismo ako ang pupunta doon para sunduin at iligtas sila..."

"Ikaw ba? Parang hindi ka natatakot o nalulungkot kung ikaw man ang mapili?" Nakangiting tanong nya.

"Wala naman kasi akong kapatid o Mommy. Si Chief General Lèandre lang ang kamag-anak ko. Ayoko din naman magbigay ng message sa kanya. Ayoko kasi na makadagdag sa kalungkutan ng Daddy ko, hindi kasi sya mahilig sa mga sad long messages.. Kaya nga dapat ako nalang ang piliin nila dahil wala naman masyadong espeyal sa buhay ko. Hindi kagaya mo, maraming nagmamahal sayo at marami pang dahilan para mabuhay ka."

Unspoken Beauty (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon