CHAPTER 1

2.2K 48 3
                                    

"I'm so thankful that you accepted my invitation, Senator De Castro."


Kakarating lang namin sa event ay may sumalubong agad sa amin. Hindi ko gustong pumunta dito sa Celebration na 'to, sino bang gugustuhin ang ganito? puro mga Politician lang naman, mas gusto ko pang matulog kaysa makipag-plastikan sa mga corrupt na tao.


Tulad ng Tatay ko.


"This is my daugther, Brey," he introduced me. "And my son, Niko. Kids, this is Congressman Meneses."


Naka-crossed lang ang braso ko, naramdaman ko ang pag-siko sa akin ng kapatid ko dahil inaalok ng matanda ang kamay niya. Tinitigan nila ako, huminga ako nang malalim bago makipag-kamay.


"Zup," bati ko.


Narinig ko ang mahinang tawa ng kapatid ko sa likuran.


Nanlaki ang mata ng Tatay ko sa akin, pero agad na nag-bago dahil ngumiti siya sa Congressman. Hindi ko talaga matiis kung paano siya ngumiti, parang kanina lang sa sasakyan ang sabi niya hindi niya gusto ang pamamalakad ng mga Meneses tapos ngingiti siya.


"Mayor Torres wants to talk to you, Senator."


"Oh, sure, I would love to meet him," my Dad faked his smile.


I looked around, there's a lot of people here, some of one them are Entrepreneur and Politician. Ano pa bang aasahan ko sa lugar na 'to? nakakasuka tignan ang mga tao ngayon, gusto ko na tuloy umuwi.


"Please don't make a scene tonight, understood?" bulong niya sa akin.


Hindi ko siya pinansin at umikot lang ang mata ko. Wala rin naman akong balak gumawa ng gulo, ang boring kaya rito, anong magagawa ko? naramdaman ko na humawak siya sa braso ko, hinihintay ang sagot ko.


"Okay," mariin na sagot ko.


"Good, wait for your Tita Sarah she will be here in a minute, I have to talk to someone," sabi niya bago tuluyang umalis.


Inirapan ko siya. Ang isang body guard ay sumama sa kanya habang ang isang body guard naman ay nanatili sa tabi namin ni Niko. We are old enough, sinong 21 years old ang gusto ng bodyguard?!


"Your Dad is unbelievable," narinig ko si Niko sa tabi ko.


"Gago, tatay mo 'yan, hindi ko tatay yan," sagot ko.


"Aba, kung ganyan ka-strict ang tatay ko itatanggi ko 'yan," umiiling na sabi niya.


Natawa ako sa sinabi niya at binatukan nang mahina. Gago rin talaga 'tong kapatid ko at palaging tinatanggi ang tatay namin. Sa bagay, ako rin naman madalas. Same vibes lang naman kami.


"Kukuha lang ako ng drinks, hintayin mo ang Mommy mo diyan," sabi ko sa kanya.


Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now