CHAPTER 7

1.4K 31 3
                                    

"Nice skirt, saan punta?" pagka-baba ko ay nakita ko agad si Niko na kumakain ng chips galing sa kusina at papunta sa Living room. 


Umirap ako sa kanya. Nag-lakad ako papunta sa malaking couch at umupo, maya-maya pa ay tumabi niya sa akin at inalok ang hawak na pag-kain. Tumanggi ako saka binuksan ang phone.


"May date ka today? sama mo ako tignan ko kung bagay kayo," siniko niya ako at ngumiti ng malaki pero hindi ako sa kanya naka-tuon.


dohnrylen_v started following you. 


Nakita ko agad ang pangalan niya pag-bukas  ko ng instagram. I blocked him last year but na-unblock ko siya 6 months ago pero ngayon lang siya nag-follow ulit. 


dohnrylen_v

24 hours bored, boredom.

3 posts   6,987 followers   3 following


Naka-public ang account niya kaya nakita ko agad 'yon. Tatlo lang ang picture ng account niya at lahat 'yon ay ang Mommy niya, wala 'to sa account niya before.


Ang unang picture ay litrato ng mommy niya kasama siya, disneyland ang nasa background nila, buhat siya ng mommy at kung titignan ay halos nasa 8 years old lang siya sa picture, halos  5 years ago na ang post na 'yon.  Ang pangalawang picture ay solo picture ng mommy niya noong dalaga pa habang ang huling post ay 2 yrs ago lang, picture ng mommy niya habang may hawak na malaking bulaklak. Binasa ko ang lahat ng caption.


 dohnrylen_v: Happy birthday to my heart, my life, my hero, and my everything. Thank you for being the best, love you, mom!


dohnrylen_v:  my forever, my woman #bestmom


dohnrylen_v: happy valentine's day to  my everything, i miss u.


He's a mommy's boy? hindi ko alam ang bagay na 'yon. Noong nag-uusap kami last year ay wala ang mga picture na 'to halos 0 post siya noon, hindi ko rin siya tinatanong tungkol sa pamilya dahil mukhang ayaw niyang pinag-uusapan.


"Kaya naman pala mukhang ayaw akong isama fiance mo naman pala ang ka-date mo ngayon," nakatingin si Niko sa phone ko at nakita na tinitignan ko ang account ni Rylen.


"Gago, hindi ko fiance 'yon, kadiri ka manahimik ka pa," iniwas ko sa kanya ang phone ko, sobrang chismoso kay lalaking tao!


"Ganon din 'yon itatanggi mo pa sa tingin mo papayag ang tatay mong hindi ka pumayag sa gusto niya ha?"  tumaas ang kilay niya sa akin.


"Tatay mo 'yon, wala ako sa mood para tawagin tatay siya ngayon,"  sagot ko sa kanya.


"Talaga? naka-record 'yan isesend ko 'to sa kanya para bawasan ang allowance mo? no more samgyeopsal after class ka, oh ano?" 


"Wala akong paki sainyo ng tatay mo," siniko ko siya nang malakas pero natawa lang ito.


Tumayo na ako at kinuha ang maliit kong bag sa gilid. Natatawa pa rin siya sa akin habang inuubos ang chips na hawak, sinabi sa kanya si Daddy na huwag siyang palaging kumain ng chips pero kumakain pa rin ang mokong palibhasa nasa Zamboanga ang tatay niya.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now