CHAPTER 26

1.2K 21 1
                                    

"I hope one day you can forgive him for everything he did to you," Tita Sarah stopped me.


Pumunta ako sa bahay para kunin ang huling gamit ko pagkatapos nito ay hindi na ako babalik sa bahay na 'to, wala na akong babalikan at wala na akong gustong kilalaning pamilya.


"Sinasayang mo lang ang buhay mo sa kanya, hindi na siya magbabago pa," sabi ko sa kanya.


"How about you? ilalaan mo ba ang buong buhay mo na galit sa kanya?"


"I forgave him before, I forgave him for controlling me, for always hurting me, for insulting my mother, I forgave him for being a useless man and you know it, you know how your husband destroyed me, but I can't forgive him this time."


Alam ko na nagiging manhid siya at gustong tulungan ang asawa na kahit minsan ay walang ginawang mabuti sa kanya.


"He made a mistake but he's still my husband..he's your Dad," lumapit siya sa akin at hahawakan ang kamay ko.


Natawa ako ng mapait sa kanya saka umusad, hindi ko hinayaan na mahawakan niya ako.


"Can you stop telling me that fucking Senator is my father because he's not and he will never be. Isang kahihiyan sa akin na maging kadugo ko ang taong 'yon, sinayang ko ang ilang taon ko sa kanya..sa inyo," I calmy said.


Umiling siya at nag-gigilid ang luha. "I loved you as my own daughter, Brey."


"Oh, really? kaya ba tinago mo ng walong taon ang tungkol sa tatay ko? bakit nga ba, Tita? bakit sa tagal ng pagsasama natin kahit minsan hindi mo binanggit sa akin 'yon? sa bahay na 'to akala ko ikaw ang nakakaintindi kung gaano ko hinintay ang pagmamahal niya, hinayaan mo akong magmukhang tanga para sa oras at pagmamahal ng taong hindi ko Ama," mabilis kong pinunasan ang luha ko.


Masakit para sa akin. I defended their name, her name. I praised her for being a good and kind step-mom to me. I was proud telling to everyone how lucky I am because she treats me like her own child.


"Nang malaman ni Arnold na karamihan sa mga kasama niya sa Senado at mga tao ay gusto ka at malapit ang loob sa'yo..ginamit ka niya para makuha ang loob ng lahat kasama na ron si Senator Valiardo, natakot siyang kapag nalaman mo ang tungkol kay Allen lalayas ka, hihina siya sa mga tao, yon ang dahilan kung bakit gusto ka niyang palaging isama sa lahat ng celebrations at projects niya," nahihirapan na pag-amin niya sa akin.


Magugulat pa ba ako? sa lahat ng lugar na puntahan namin, sa lahat ng Politiko na nakakasama namin halos lahat yon ay sa akin naka-tingin, at nagpapaka-saya naman siya, natakot siyang mawala ako dahil mawawala ang alas niya, ganoon ba? tangina.


"You know what hurts me the most? all these years I thought you really cared about me—"


"I cared about you, Brey, I know you're suffering that's why I told you that Rylen is your only way!"


Dumaloy ang luha sa pisngi ko, masakit na ang isang tao na pinagkatiwalaan ko ay nagawang magtago ng sekreto sa akin.


Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now