CHAPTER 17

1.3K 25 0
                                    

"I don't think I'm ready for this school year," may tatlong upuan sa table namin at nasa harapan ko si Chanel, hawak ang order na coffee. "Statistic would be my cause of death."

"Isama mo pa yang research na 'yan, hindi ko na gustong isipin," nasa tabi ko si Abia.

Kumagat ako sa bread at natawa sa kanila. 3rd year na sila next school year and as their Ate sinabi ko na sa kanila ang dapat nilang gawin. Wala namang magandang advice no matter how ready you are magugulat at magugulat ka pa rin sa hirap ng mga subjects.


Durimg my 1st and 2nd year everything was easy, even the research and our subjects but during my 3rd and 4th year doon na nagsimula ang kalbaryo, ilang beses naming inulit ang research namin, kailangan lahat detalye at perpekto, marami rin kaming Professor sa University na mataas ang standard pagdating sa mga students lalo na sa mga Psychology Major.


"Kapag palagi niyong ini-isip hindi niyo mae-enjoy, saka niyo na isipin 'yang mga 'yan dahil kahit mag-advance reading kayo baliwala rin," sabi ko at pinalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.


Lahat naman siguro ng course sa college ay mahirap at nagiging worth it lang ang pagod kapag gusto mo ang ginagawa mo at kapag nae-enjoy mo ang pinili mo.


Si Chanel ay nagsimula nang galawin ang pag-kain niya habang tumahimik si Abia. Abia is still having a hard time after she lost her family nasira naman ang relasyon niya with East. I don't want to ask her about East because I know she's still not okay. Ang balita ko ay nasa ibang bansa ngayon ang ex niya kasama so Gly, yon ang balita ni Rylen.


"What kind of necklace you're wearing?" tanong ni Chanel, nakatingin sa dibdib ko. "What's that? a necklace with a ring?"


Napatingin ako saglit sa dibdib ko at nakita na nakalabas ang necklace ko, si Abia naman ay sinilip 'yon.


"Ayos din ang trip mo ha, bagay naman, bili mo?" tanong ni Abia.


Napakurap ako nang maraming beses, nag-iisip ng pwede kong sabihin sa kanila.


"Ah..eh, nakita ko kasi sa mall mukhang maganda 'yung singsing saka sakto sa akin kaso hindi naman ako mahilig mag-singsing kaya..ayan," napalunok ako habang hawak ang necklace.


Napapikit ako ng mariin. Napag-usapan na namin ni Rylen ang tungkol dito since we want our marriage secret and private, alam niya na ginawa ko 'to habang suot niya ang wedding ring namin pero nasa suot yon sa hintuturo niya, mabuti na lang ay kasya.


"You bought it just because you thought it was beautiful? that's an expensive, ganyan ang singsing na binili ni Dad noong 20 years Anniversary ni Mommy, that's a platinum and diamond wedding ring, where did you bought that?" curious na tanong ni Chanel na parang gusto pang hawakan ang singsing.


Hindi ko alam dahil si Rylen ang nag-bigay ng singsing na 'to, hindi ko nga napansin kung anong klaseng singsing 'to, malay ko bang mahal.


"Sa mall lang..saka fake lang 'to, bakit naman ako binili ng singsing na halos kalahating milyon? sayang 'no," sabi ko at inimon ang coffee.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now