CHAPTER 10

1.4K 34 0
                                    

"Pasensya na ngayon lang ulit ako naka-dalaw," umupo ako sa maliit na damo at sinindihan ang kandilang dala-dala ko.


Lucy Velasco.


Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko sa tuwing dinadalaw ko siya. Nasa lumang sementeryo siya nakalibing noon pero si Tita Sarah ang nagsabi sa akin na ilipat sa ibang sementeryo ang katawan ni Nanay para mas madalaw ko ng madalas, hindi naman sinabi ang Tatay ko tungkol doon, wala siyang pakialam.


"Happy Birthday, Nay, pasensya na wala akong dalang cake alam mo namang ayaw kong titikim non," sobrang pait ng mga ngiti ko.


Lahat ng bagay na nakakapag-paalala sa akin sa Nanay ko ay hindi ko gustong malapitan o maalala man lang, siguro nga..siguro nga ganon kahirap mawalan, matagal nang wala ang tao pero yung sakit habang buhay mong mararamdaman.


"Naging matigas na naman ang ulo, hindi ko pinakinggan si Tatay..nakakainis naman kasi talaga siya dahil sa tuwing pagsasabihin niya ako hindi ko maramdaman ang pagmamahal o pag-aalala ng isang magulang sa kanya parang pinagsasabihan niya lang ako para ipamukha na masama akong anak wala siyang ibang bukang bibig kundi isumbat ang mga binigay niya..pasensya na..naging matigas ang ulo ko ngayon."


Tatlong buwan simula noong mamatay si Nanay biglang may pumunta sa bahay para kunin ako, si Tita Sarah kasama ang Tatay ko, kahit minsan ay hindi ko pa siya nakita sa personal. 13 years kaming nanahimik ng Nanay ko dahil hindi gusto ng pamilya ni Tatay na makilala kami dahil pagkakamali ang tawag nila sa amin, nagbibigay sila ng pera buwan buwan sapat para sa pangangailangan ko pero ayaw nila ako makita Tahimik ang buhay namin ni Nanay dahil walang nakakakilala sa amin, at palagi kong pipiliin ang tahimik na buhay.


Hindi ko gusto ang buhay ng Tatay ko, maingay, magulo, masakit at hindi masaya.


"Hindi ko kayang gawin ang gusto niya..hindi ko siya kayang sundin, kung ikaw lang ang nandito panigurado hindi ako hi-hindi sa'yo..bakit ba kasi wala ka? hindi ko kayang bumalik sa dati kung wala ka, gusto ko ang buhay na binigay mo noon..gusto ko nang tahimik," umiyak ang mga mata ko at hindi ko pinunasan, hinayaan ko lang.


"Hindi ka masaya ngayon no? nakikita mo kung paano magbago ang mabait mong anak..hindi ko naman gusto 'to kinakailangan ko kasi, kailangan kong ipakita na matapang ako na hindi nila ako kayang diktahan sa buhay ko..kung ipapakita ko na mahina ako aabushin nila, Nay."


Sinubukan ko, palagi kong sinusubukang sundin ang Tatay ko pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa Nanay ko, hindi ko maiwasang ipagkumpara silang dalawa..walang-wala siya kay Nanay.


Binibisita ko siya tuwing birthday niya pero wala akong dalang handa o kahit maliit na cake. Hindi ko nga kayang kumain ng cake..naaalala ko lang na dahil sa bagay na 'yon lumabas ang nanay ko at nasagasaan. Umuwi ako sa bahay at nakita sila Niko na nasa dining habang tinatanong siya ni Daddy tungkol sa studies niya, hindi naman nila napansin ang pag-dating ko kaya dumiretso na agad ako sa kwarto para nagpalit ng damit.


Pumasok ako sa dressing room at doon na ron nagbihis. Napansin ko na ang isang drawer sa loob na naka-bukas, lalagyanan ko ng mga kwintas ang drawer na yon. Nabangga ko siguro kanina, inayos ko at nagtaka ng mapansin ko ang isang sketch book ko.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now