CHAPTER 27

1.2K 26 2
                                    

Hindi napapagod ang labi kong ngumiti habang nakatitig sa dalawang pangalan sa lapida. Ang pangalan ng Nanay at Tatay ko, ang katawan nilang mag-kasama ngayon.


"I know this is want you want, Tay," mahinang pagbulong ko.


After I read the letter my Father wrote for my Mother I knew that he would love this idea, if he can talk to me right now I know he's happy because after years magkasama na silang dalawa.


May mga lalaki mang dumating sa buhay ni Nanay noon ramdam ko na hindi ganoon ka lalim ang pagmamahal niya sa kanila, sigurado ay naghahanap lang siya ng kasama at kanuwang sa buhay, hinanap niya ang pagmamahal na nabigay ng Tatay ko pero siguro tama sila, may pagmamahal na sa isang tao mo lang makikita.


"I don't know if you're proud because your brother is now in jail..do you like it or you hate me for putting him there?" tanong ko habang hinawakan ang pangalan niya.


Isang malakas na hangin ang dumaan sa akin na tila niyakap ako nang sandali.


I secretly smiled, maybe It's him, It's my father. He hugged me to tell that he's not mad for what we did to his Kuya. Pakiramdam ko ay nandidito siya at nakatingin sa akin habang naka-ngiti.


I am certain, I know that my Father is smiling at me right now, he loves me, he loves his daughter so much.


"Nay?" I talked. "Lito died and Senator De Castor will suffer in jail for the rest of his life, are you happy now? did you finally get the justice you want? because this is what I want, pasensya na natagalan bago mo makuha yung hustisya pero ang mahalaga nakuha natin."


Naalala ko pa kung paano ako umiyak at lumuhod sa tuwing bibisitahin ko ang puntod ng Nanay ko, palagi akong namamaka-awa, palagi akong humahagulgol, walang araw na pumunta ako sa kanya na hindi ako umiyak pero iba ngayon, walang iyak, walang luhod o kung ano man, nakangiti ako.


"I will take care of your daughter. I won't let anyone to hurt or touch her," narinig ko ang boses ni Rylen.


Nakatayo siya sa likod ko habang tinutulisan ko ng dalawang kandila ang puntod ng magulang ko. Nilipat ko sila ng sementeryo, bayad ang lupa na napili ko, gusto ko sa kanila ang pwesto na 'to.


"Hindi ko siya sasaktan, papasayahin ko siya, walang dadaan na araw na hindi ko susubukang ibigay sa kanya ang buhay na gusto niya, ang buhay na gusto niyo para sa kanya."


Tila niyakap ng mga salita niya ang puso ko. Napatingin ako sa pangalan ng mga magulang ko. Narinig niyo 'yon? maayos ako dito, may nag-aalala at nagmamahal sa akin.


"Sir, ibabawi ko kayo, you didn't get the chance to meet and to show how much you love your daughter, don't worry because I will give her the love and peace I know you want for your only daughter. Ako na ang bahala kay Brey, sa akin ligtas siya," kinakausap niya ang puntod nila Nanay.


Nanatili akong nakangiti. Dahan-dahan akong tumayo at humarap kay Rylen. Yumakap ako sa beywang niya habang pinagmasdan ang dalawang kandila para kila Tatay.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now