CHAPTER 33

1.3K 27 5
                                    

"I already gave you what you want, ano pang ginagawa mo dito?"

Naka-upo siya sa couch habang nasa hita ang envelope na atat na atat niyang makuha. I already surrender it since he looked so desperate. Hindi rin siya mukhang aalis kung hindi ko ibibigay ang gusto niya.


"I'm not here for this," sabi niya. 


"Eh, ano pa?" walang ganang tanong ko sa kanya. 


He crossed his legs. "I want to file an annulment, Brey."


Mabagal ang nagawa kong pagtingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? tinitigan ko siya at naghihintay pa ng sasabihin pero mukhang ayon lang ang gusto niyang sabihin sa akin. 


Parang nanlamig ang katawan ko nang marinig 'yon galing sa kanya. I had to act like it didn't hurt me. Why? bakit ako masasaktan? ano ba sa tingin ko ang mangyayari? 


"You don't have to help me all I need is your answer, I will take care of everything," he said. 


I blinked a lot of times and took a deep breath. Ang anak ko agad ang unang pumasok sa isip ko. Paano ko sasabihin 'to sa kanya? ngayon pa na mas gusto niya nang makilala siya ng Daddy niya. 


"I'm waiting for your answer, Brey. I know you also want this."


I looked at him. Fuck you, Valiardo!


"Do whatever you want, Rylen. You can go now," sabi ko at binuksan ang laptop ko.


I pretend that I was busy typing and checking something but the truth is I don't want him to see my reaction. Pumikit-pikit ako at nanginginig ang kabilang kamay, gusto ko na lang siyang umalis sa office ko, ngayon na. 


"Do what makes you happy, I don't care anymore. Get out now," sabi ko na may inis. 


Binalik niya ang inis na tingin ko. Parang gusto niyang matawa sa sagot ko dahil napa-iling siya. Kinuha ang envelope sa couch at inis pa ring tumayo. 


I watched him open the door and leave without saying anything. He looked so annoyed. Niyukom ko ang kamao ko at nag-pigil. 


Natawa ako ng mapait nang maiwan akong pag-isa. Dalawang beses, dalawang beses kaming kinasal noon, dalawang beses kaming nangako isa't isa pero kung sabihin niya sa akin na gusto niyang ipagwalang bisa ang kasal namin parang wala lang sa kanya. 


"Ano bang inaasahan mo na pagkatapos ng apat na taon mahal ka pa niya?" I talked to myself.


Ganoon na lang siguro ang galit niya sa akin para masabi niya 'yon. I heard he has a girlfriend, maybe he's planning to marry her? 


"Fuck," mahinang mura ko habang napa-sabunot sa sarili ko. 


4 years, we've been together for 4 years. He had the better version of me, he was there, he was always there for me. Tanda ko kung paano siya pumalakpak kapag may naaabot akong bagay na gusto ko, kung paano niya ako yakapin kapag nasasaktan ako, kung paano kalaki ang ngiti niya kapag nakikita akong masaya. 

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now