CHAPTER 15

1.3K 27 3
                                    

"Thank you for coming, Brey," Senator Valiardo stood up and smiled at me.


Malaki ang lugar kung saan naka-burol ang Lola niya, a very private and quiet place, wala masyadong tao at talagang para lang sa pamilya nila. Nakita ko si Gly na nakangiti sa akin. Rylen's Mom is also here, I greeted her earlier but she didn't even looked at me, nasa lugar nila ako and I don't want to make any scene, not here.


"Kumain ka mamaya," nasa tabi ko si Rylen, nasa labas kami at nagpapa-hingin, ayaw niya na loob kaya sinamahan ko na lang siya. "Hindi ka kumain kaninang umaga, wala kang lakas ngayon."


"I'm okay," sabi niya, ngumiti sa akin ng tipid bago ibalik ang pansin sa malayo.


"Hindi ka okay, Rylen, at ayos lang na aminin mo na hindi ka okay, nawalan ka normal na masaktan ka," sabi ko rito, tumingin sa kanya.


Huminga siya ng malalim bago ibalik ang tingin sa akin, umusad ng kaunti at pinulupot ang isang braso sa beywang ko. Nag-angat ako ng tingin at nagpakita ng tipid na ngiti sa kanya, kahit sa ganoong paraan ay mapagaan ko ang nararamdaman niya.


"Thank you so much," he said and kissed my hair. "Let's stay here, I am calm when I'm holding you."


"Sige, dito muna tayo," pagpayag ko. "Don't be too clingy, your father is looking at us."


I heard him chuckled. "He's just jealous because for the last 5 years they can't make me calm the way you did last night."


Napahinto ako. 5 years? ganoon na katagal niyang nararanasan 'yon? they have the money to bring him to a Doctor, marami ring Hospital ang pagmamay-ari ng pamilya niya, why they chose to locked him up? mas magiging maayos sana siya kung hindi ganito ang trato sa kanya.


Habang nandoon ako ay hinanap ko si East, wala siya sa burol ni Fhate at wala rin siya ngayon dito. Hindi ko na tinanong kay Rylen kung bakit.


Dumating ang araw na kailangan kong mag-take ng exam pero ngayon din ang libing ng Lola ni Rylen and sinabi ko na sa kanya ang reason kung bakit hindi ako makakapunta. Sinabi ko na lang na sa bahay ako uuwi ngayong gabi para makasama siya.


Ang sabi nila mabilis lang ang oras at hindi mo mamamalayan na tapos na pala ang hinihintay mo, mabilis ang taon kung hindi ko bibilangin, mabilis ang araw kung hindi mo papansinin. Napasa namin ang lahat ng projects, activities pati ang research namin, 'yon ang kailangan para makapag-practice para sa graduation namin ngayon.


"Balita ko sasabihin daw bukas ang mga may award sa graduation, kinausap ka na ba ni Professor? sure ako kasama ka sa may latin, dean's lister ka since 1st year natin hindi ba?" nasa tabi ko si Lanie habang nasa ibaba kami ng stage, kakatapos lang ng practice namin.


"Hindi pa, hindi ko pa rin nakikita ang grade ko sa kanya mainit pa naman ulo sa akin non, baka nga binigyan ako ng dos non," sabi ko, kinuha ang tumbler ko at uminom.


"Mas marami ka namang Uno kaya huwag kang kabahan diyan," kinuha niya nito ang bag niya at pauwi na kami.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now