CHAPTER 8

1.3K 27 0
                                    

"Fuck!" malakas ang pag-sigaw ko habang mas binilisan ang pag-andar ng sasakyan. I stole my brother's car tonight, tulog na ang lahat ng tao sa bahay habang nagsabi si Tita na hindi makaka-uwi si Daddy.


Madilim na ang buong kalsada at walang ibang sasakyan maliban sa gamit ko. Agad kong binuksan ang bintana at nilabas ang kamay ko, hinahangin ang buhok ko, nanatili sa labas ang isang kamay ko habang isang kamay lang ang naka-hawak sa manibela.


I always wondered what is the taste of freedom. I never had freedom before, sa halos 13 years na kasama ko ang nanay ko at sa tatlong lalaking minahal niya kahit isa roon ay hindi naging maganda ang turing sa akin, sinasaktan at kinukulong ako pag-uwi ko galing school.


Noong mapunta ako sa puder ng Tatay ko naramdaman ko ang kalayaan pero ang kapalit pala ng kalayaan na 'yon ay ang mawala ang Nanay ko. May laya akong gawin ang gusto ko kahit magalit pa siya sa akin sa huli, hindi ko iniisip kung ano ang mararamdaman niya o iisipin niya sa tuwing mas pinipili ko ang gusto ko kaysa sa gusto niya.


Ganito ba ang pakiramdam ng malaya? hindi masaya?


Huminto ako sa gilid, walang sasakyan at kaunti lang ang liwanag ng daan. Lumabas ako at hinubad ang jacket ko, nag-lakad ako sa gitna ng kalsada at nanatili akong nakatayo. 


I've been doing this for almost 5 years now. Tatayo ako sa gitna ng isang madilim na kalsada at hindi gagawa ng ingay, tatayo ako hanggang sa may sasakyan na dumaan at maaksidente ako. My dream when I was young was to be with my mother for the rest of her life pero maaga siyang kinuha at ang pangarap ko ngayon ay ang makita ulit siya.


"Kailan mo ba ako ibabalik sa nanay ko?" I wasn't talking to my mother, I was talking to the Creator.


Mas pipiliin kong mawala ang kalayaan na meron ako kaysa ang habang buhay na mangulila sa kanya, kaysa habang buhay kong dalhin ang pag-sisisi ko dahil ako ang dahilan kung bakit nawala siya. 


"Kunin mo na ako, gusto ko na ulit makita ang nanay ko, kunin mo ang marangya na buhay na binigay mo basta ibalik mo siya sa akin!"


Palagi ko siyang tinatanong pero kahit isang sagot ay wala akong nakuha mula sa kanya. They said everything happens for a reason, anong rason? anong magandang rason para maaga niyang kunin sa akin ang nanay ko? pinahirapan niya lang ako lalo, isa lang ang hiling ko bakit hindi niya mabigay? gusto ko lang makasama ulit ang nanay ko.


"Hindi mo na nga ako binigyan ng masayang pamilya noon pati ba ang isang tao na mahalaga sa akin kinuha mo pa, masaya ka bang nasasaktan ako? natutuwa kang nakikita akong nagdurusa? iba ka rin talaga," lumabas ang mapait na tawa sa akin at mabilis na pag-luha.


Hindi ako galit marami lang akong tanong, bakit hindi siya patas? bakit mas binabawi niya ang mga mabubuting tao sa buhay ko at hinahayaan ako sa mga taong sasaktan lang ako? ganon ba kasama ang ugali ko? hindi naman ako ganito dati, binago ako ng lahat ng problemang binigay niya.


"Kung sa tingin mo masama ako kunin mo na lang ang buhay na binigay mo! bawiin mo na! dahil hindi ko gusto ang buhay na 'to kung hindi mo ibibigay ang gusto ko!" tumingin ako sa itaas at sumisigaw, umiyak.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now