CHAPTER 20

1.4K 24 3
                                    

Nasa kwarto kami at pinapanood ko siyang nag-lilinis, hirap na hirap siyang tinggalin ang bedsheet habang naka-upo lang ako sa puting couch sa kwarto. 


No one told him to clean the room, he insisted! 


"Fuck," narinig ko ang mahinang sabi niya ang matanggal ang bedsheet, maya-maya ay ang unan naman ang tinanggalan niya. 


Kakaumpisa pa lang siya ay pawis na pawis na agad, para bang hirap na hirap sa pagtatanggal ng mga punda! bakit hindi niya gamitin ang braso niya, sayang naman ang pag-ggym niya!


"This is so hard, Brey," tumingin niya sa akin at pinunasan ang pawis sa noo. 


"Wala naman akong sinabing linisin mo ang kama, ano bang nakain mo? sabihin pa ng Mommy mo ginagawa kitang alila," sagot ko at pinag-krus ang dalawang hita.


Naka-bukas naman ang aircon sa kwarto pero ganon na lang ang pawis niya. Ang pawisin naman ng lalaking 'to! parang anytime bubuwal siya. 


"Let me," tumayo ako at lumapit sa kanya. 


"No, no, sit there and do nothing," pigil niya. "I don't want you to get tired, I can do it, just stay there and watch, go, go."


Napa-kunot ang noo ko habang pinapabalik niya ako sa couch. Ang pinakamadaling bagay ay tanggalin ang punda pero daig nya pa bumubuhat ng ilang kilong bigas.


"Sigurado ko bang kaya mo at alam mo kung paano?" tanong ko. "Rylen! mali naman 'yan!" 


Napa-sapo ako ng ulo at tumayo, kinuha ko ang unan sa kanya at ako mismo ang nagtanggal ng balot. Sobrang dali lang, halos limang segundo ko lang nagawa. Saang parte siya nahihirapan?


"How did you..do that? babe, you're so talented!" napapa-iling siya at manghang-mangha, pumapalakpak pa ang gago. 


"Anong how did you do that? buksan mo 'yung zipper tapos alisin mo 'yung punda, that simple!" naiinis na sabi ko. "Doon ka na nga, ako na ang magtatanggal magpapasko na lang hindi ka pa tapos."


He smiled a little and scratched his head. "Ang hirap kasi..malay mo bang ganoon pala."


Natanggalan ko na ang tatlong unan nang sobrang bilis. Hindi tulad niya!


"Malaki lang tite mo pero kulang ka sa diskarte," diretsong sabi ko. 


"I heard that, babe," sabi niya at umupo sa couch. 


"Kulang ka naman talaga sa diskarte," umirap ako at tinanggalan na ang huling unan. 


"Non that, you said I have a big dick," maloko ang mga ngiti niya habang naka-tingin sa akin. 


Nasa couch si Finno at naka-higa sa maliit na pillow habang tulog, palaging puyat wala namang ibang ginawa kung hindi matulog, buti na lang cute at mataba siya.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now