CHAPTER 4

1.5K 37 5
                                    

Maliit lang ang subo ko ng pag-kain ko, kaming dalawa lang ni Niko ang kumakain ngayon ng break fast. Kumakain siya habang nagbabasa. He's 1st year college, he took Political Science because our father wants him to join Politics one day, masyadong masunurin ang kapatid ko, syempre hindi siya hi-hindi.


"So, what's with you and Senator Valiardo's son?"


Nahinto ako sa pag-kain. Nasa lamesa ang phone ko at nags-scroll down ako ng mga updates and announcement sa gc namin. Walang naman kaming pasok ngayon.


"Wala, mukha bang meron? hindi kami magka-sundo non."


"Oh, really? but you guys kissed last night," kinagat niya ang sandwich na hawak niya.


Nanlaki ang mata ko at umikot sa paligid, kaming dalawa lang ang nandidito at wala ang iba naming kasama. Tumaas ang kilay ko sa kanya.


"How did you know about that, Niko?"


"Kalma, I was just waiting for you last night then I saw you and Rylen..you know, but I swear after that? I walked away na," nag-taas pa siya ng kanang kamay.


"Wala 'yon, kalimutan mo 'yon."


"And about the CCTV camera? nabura ko kagabi kaya huwag ka nang mag-alala na makikita ni Daddy 'yon, pero may relasyon ba kayo ni Rylen?"


Hindi niya talaga maiwasang hindi mag-tanong. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nakita niya yung ginawa ni Rylen kagabi. Wala ako sa mood magpaliwanag, wala rin namang dapat ipaliwanag. Wala kaming relasyon ng lalaking 'yon.


"Yung lalaki sa laptop mo before? that's him, that's Rylen?" mahina lang ang mga tanong niya.


Naalala ko ang picture na sinend ni Rylen sa akin dati. It was just a normal picture of us, first picture together. Nasave ko yon sa laptop ko at nakita ni Niko dati ang picture ko kasama si Rylen habang naka-yakap ako. Last year pa 'yon!


"He's also the guy you ghosted last year," dagdag niya.


He knows about it. Nakwento ko sa kanya noon ang tungkol sa bagay na 'yon kaya aware siya pero alam niya rin na wala kaming relasyon ni Rylen dati because I was still in love with my ex who cheated on me, who's also my first love.


"He asked me about my reason, bakit ko raw siya ginost dati," sabi ko naman. "Hindi ko naman nasagot."


"Eh, bakit nga ba? hindi ka naman bumalik sa ex mong manloloko dati, bakit ginost mo?"


Bumagal ang pag-kain ko at napa-isip. Hindi ko rin alam, gagawin niya rin naman siguro sa akin yon naunahan ko lang talaga siya, naririnig ko dati na marami siyang ginost na Tourism student before.


"I'm not being biased, okay? but I think he deserves to know the truth, why did you ghosted him before?"


"Gusto ko lang talaga tapusin yung meron kami noon, 'yon lang..hindi ko lang talaga nagawa sa maayos na paraan," sumandal ako.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now