CHAPTER 3

1.5K 30 6
                                    

"Hindi mo na ako kailangan ihatid bukas kaya ko namang mag-commute," paalala ko sa kanya.


"You don't like my car? you used to-"


"Basta huwag na, hindi ako bata, okay? saka huwag ka ngang nagpapa-uto sa Tatay ko," putol ko sa sasabihin niya.


Ang tagal ko nang hindi nakaka-sakay sa sasakyan na 'to. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang backseat, parang nag-init ang mukha ko nang may ma-alala. Bakit ba kasi siya ang maghahatid sa akin?! mas gugustuhin ko pang habang buhay na mag-commute kaysa ang sumakay sa Ranger niya.


"Do you think I love doing this? I'm not happy, Brey. I'm just need to do this, okay? I'm being a good son to my father so be a good daughter, " mabilis na ani nito habang seryoso ang tingin sa harapan.


"Hindi bagay sakin 'yang good daughter saka hindi deserve ng Tatay ko ang good daughter no," sagot ko.


Hindi na ako ulit nag-salita hinintay ko na lang na makarating kami sa School nang mawala na siya sa paningin ko dahil halata naman na hindi niya gustong kasama ako, ako rin naman no. Bilisan niya na lang ang pagmamaneho o ako ang magmamaneho para palang ilang minuto nandoon na kami.


"Anong oras ang tapos ng klase mo ngayon?" huminto na ang sasakyan niya.


"Secret," sabi ko at tinanggal ang seatbelt.


Hinawakan ko na agad ang door para buksan nang mapansin kong naka-locked 'yon, napatingin agad ako sa kanya at nagka-salubong ang kilay. Wala ba siyang balak buksan? hindi ko gustong mag-lecture sa loob ng sasakyan niya.


"You're wearing a skirt," bulong niya, hindi patanong. naka-tingin siya sa skirt na suot ko.


"Hindi ba halata? mukha bang pants sa mga mata mo itong suot ko?"


"It's too short," nagkunot ang noo niya.


"Malamang, ano ba gusto mo? hanggang talampakan? hindi na skirt ang tawag don."


"Are you wearing a cycling?" tanong niya at inangat ang tingin.


"Underwear lang, bakit?"


"Are you fucking serious, Brey?"


Nagulat ako sa mura niya. Nandilim ang paningin niya sa akin at tumingin ulit sa skirt ko, hanggang itaas ng tuhod ang skirt ng Psychology, halos ka-pareho lang din naman ng Nursing ang uniform namin.


"Syempre joke lang, malamang naka-cycling ako alangan naman underwear lang suot ko, mag-isip ka nga."


"Don't fuck with me, Brey," umirap ang mga mata niya sa akin. May kinuhang jacket sa likod at nilapag sa hita ko.


"Anong gagawin ko rito? init-init, kaya nga skirt lang ang suot ko dahil pinagpapawisan ang legs ko sa pants, hindi ko kailangan 'yan, Rylen," inalis ko sa legs ko ang jacket at binalik sa kanya.

Loving the Rejection (Psychology Series #2)Where stories live. Discover now