Bagaheng Pasensiya

13 2 0
                                    

"Bagaheng Pasensiya"


"Pumintig ang aking taynga nang sinabi mong "pasensiya" hanggang sa ang salitang iyon ay mistulang naging bagahe na palagi kong dala-dala,"

Sinubukan kong lumayo at iwanan ang minsang naging tinik sa damdamin nating dalawa. Subalit sinubukan ko muling humakbang upang ipaglaban ka. Dalawang hakbang patungo sa iyo ang siyang pag-atras ng mga paa mo, kasabay nang pagwaksi mo sa mga alaalang ngayon ay isang larawan na lamang.

Marahil hirap kang muling papasukin ako sa puso mo, hirap kang kilalanin
kung sino ako sa likod ng maskarang itim na pag-ibig ko. Walang humpay ang pagkatok ko at paghingi ng kahit kaunting simpatyang, maibaling mo muli sa'kin ang atensyon mo. Hindi ako titigil na isumbat sa iyo ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi ako napagod na ulit-uliting awitin ang kantang isinulat ko para sa iyo.

Subalit, dumating ang araw na nagbigay sa'kin ng rason upang tumigil ako na masungkit ka. Simula nang bitawan mo ang salitang "pasensiya," ay tila naglaho nang kaybilis ang minsang naging sanhi ng pagtingin ko saiyo. Marahil tulad ng kandila, ang kapalaran natin ay nauupos na.

Kaya kong sisiriin ang nagbabagang apoy habang dala-dala ang mabigat na bagaheng iyong iniwanan. Handa akong salubungin ang panaghoy ko sa gitna ng kawalan. Subalit hindi ko pa rin maunawaan, sa kung bakit pinili mong ipagtabuyan ang minsang minahal mo na rin nang lubusan.







------------------------------------
Isinulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now