Bakit takot tayong sumubok ulit?

16 2 0
                                    

"Bakit takot tayong sumubok ulit,"

Maraming dahilan para muli tayong sumubok at gawin ang gusto nating gawin, subalit maraming balakid ang humahadlang sa'tin. Natatakot tayong muling ungkatin ang nakaraan at natatakot tayong harapin ang katotohanan. Hirap tayong bumuo ng mga tamang balarila na maisusuplong sa bawat isa at hirap nating iusad ang ating mga paa.

Bakit nga ba tayo napunta sa ganitong sitwasyon? Marahil buhat ito nang mga panahong pinagkaitan tayo ng karapatan at kaligayahan. Pinaglaruan tayo at binuhol-buhol ang sinulid ng ating buhay. Ngunit sa anong dahilan? Sa anong dahilan ang nanariwa, sa kung bakit kailangang maramdaman ang sakit bago ang ginhawa? Dahil ba para matuto tayo? Kung iyan ang rason, bakit hanggang ngayon marami pa ring hindi natututo? at mas pinipili pa ring piliin at balikan ang maling tao.

Oo, takot tayong sumubok ulit, takot tayong muling umusad subalit hindi dahil takot tayong sumubok ay takot na rin tayong lumaban. Kung muli tayong susubok, pipiliin natin ang sandatang kaya tayong ipaglaban at ituturo ang tamang landas ng ating lalakaran.







---------------------------------
Isinulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon