Ang sagot kung bakit kita gusto

6 1 0
                                    

“Nadarang ako nang minsang tinanong mo  ako bakit ikaw ang nagustuhan ko?”

Napangiti ako nang mga araw na tinanong mo iyon sa'kin at halos kumaripas ng pagkabog ang aking dibdib. Sa wakas ay mailalabas ko na rin ang minsang naging tinik sa'king lalamunan, nais kong bigyang kasagutan ang isa sa mga katanungang gumugulo sa isipan mo. Nais mong malaman sa kung bakit sa dinarami-dami ng lalaking maaaring ako ay mahulog, ay ikaw ang napili ko. Marahil nagtataka ngayon ang iyong isipan, ang pagtibok ngayon ng puso mo ay kakaiba. Nararamdaman kong ikaw ay nanabik na malaman ang dahilan sa likod ng aking pagsinta.

Ang tugon ko'y — hindi ako nahulog saiyo dahil lang sa nariyan ka sa tuwing kailangan ko ng kasama — O di kaya'y ang handang pumawi ng mga luhang dumanak sa aking mga mata. Kundi nagustuhan kita dahil sa iyong mga binuong tula at istorya. Naibigan kita sa mga letra na nakasulat sa iyong pluma.




-----------------------------
Isinulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now