Pagsinta'y hawakan

10 2 0
                                    

Hapong ihakbang man ang mga paa palayo sa reyalidad,
Sa tinik ng mga sitwasyong bumubulusok ang apoy ng dignidad.
Humahakbang pa abante, subalit hindi pa rin makaabante.
Pilit nililingapang sariwain ang sinagtalang walang saliw ng anumang pait.
At ang daliring-garing ang pinanghulma ng umaapoy na sakit.
Ang tanikala sa bawat pag-usbong ng oras
Ay hihinihintay hanggang ang dapit hapon ay magwakas,
Mga talang nagsasabing mahal kita ng wagas
Ay marahang-marahan ding lumilisan na wari'y binalatang sibuyas.

Pagsinta'y nawa'y hawakan,
Pagdapit hapon hanggang matapos ang kadiliman sa kalangitan.

- miss tala

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now