Ang iyong habilin

13 2 0
                                    

Naranasan ko na ring tumakbo nang matulin palayo sa ating nakaraan.
Hapo mang sisirin ang maalat na tubig sa dalampasigan.
Buong tapang pa ring nilalagok ang walang humpay na paghabilis ng mga alon.
Kasama kitang nagmumuni-muni habang mga paa'y nakababad sa pangpang.
Kata'y nagbibilang ng mga tala sa kalangitan.
Pagkatapos na pagkatapos ng ating pagbibilang ako ay iyong pagmamasdan.
Bumabakas ang kislap sa iyong mga mata, na tila ngayon ko lamang ulit makikita.
Kamay ko'y hinawakan mo nang mahigpit at hinawi ang nagkalat na buhok sa aking mukha.
Ibinuka mo ang iyong bibig at lumaya sa hawla ang salitang nais mo nang bitawan noon pa man.

"Irog, patawad kong hindi na kita muling masasamahan pang pagmasdan ang mga bituin. Nararapat ka nang maghanap ng bagong buwan na makakasama mo, sapagkat hindi ako ang para saiyo, hindi ako ang buwan na sagot sa mga panalangin mo,"

— miss tala

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now