"Paano kung may pag-asa talaga tayong dalawa? Subalit napangunahan lamang tayo ng takot at kaba,"
Batid kong mahirap mapunta sa sitwasyong iisa ang nilalakaran nating tulay ng pag-ibig. Ang isa sa'tin ay may nararamdamang kakaiba subalit ang isa'y hindi matukoy ang nararamdaman. Sa bawat pagpatak ng oras ay halos daang minuto na ang nasasayang na panahon. Pinipiling makisaliw sa hiram at mapagpanggap na musika ng pag-ibig. Walang humpay ang pagbibigay ng motibo sa bawat isa, motibo na umaasang magiging daan upang magdugtong ang koneksyon nating dalawa.
Subalit kalauna'y mapuputol din ang koneksyon na pilit ipinagtutugma. Darating at darating ang oras na kailangan kong aminin ang lahat, subalit napangungunahan ako ng kaba. Napangungunahan ako ng hiya at takot. Paano kung mauwi ako sa wala, paano kung wala talaga akong pag-asa? Pakiwari'y isa itong sirang plakang hinuhulma ang negatibong epekto.
Marahil kulang ako ng lakas ng loob, at tiwala sa sarili. Kulang ako ng paraan sa kung paano makabubuo ng mga letrang maisasambit. Napangungunahan ako ng kaba, napangungunahan ako ng hiya, kaya sa dulo'y pinipiling sarilihin na lamang ang tunay na nararamdaman, kahit ang totoo'y may pag-asa pa.
---------------------------------
Isinulat ni Sapantaha
YOU ARE READING
PIECE OF MIND
PoetryHanda ka na bang isuko ang iyong puso alang-alang sa gumigimbal sa iyong isip? Bakit hindi ka magpahinga habang dinarama ang bawat letrang iyong mababasa. Tulad ng mga tula, nobela at maikling kwento Hayaan nawa na kuminang ito. Ang tinta na may b...