Ganito sana tayo

2 0 0
                                    

Ang pag-iibigan natin ay wari'y isang kayamanan
Iniingatan, tinatago at minamahal nang lubusan.
Sabay tayong bumubuo ng mga pangarap kasama ang lipon nating mga pangako.
Malaya nating sinasambit ang lahat ng ating nais habang pagmamahal ay hindi pa naglalaho.
Magkasama tayong nakikisaliw sa sarap ng ating pagmamahalan.
Kapwa tayo nakararamdaman ng walang hanggang kaligayahan.
Ang ngiti natin ay abot hanggang kalawakan.
Mga halakhalak natin ay hirap nang mapigilan.

Ganito sana tayo, kung hindi ka nagbago.
Ganito sana tayo kung patuloy kang kumapit sa ating mga pangako.
Ganito sana tayo kung kapwa tayo lumaban.
Ganito sana tayo kung hindi ka natukso ng kadiliman.


— miss tala

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now