Maaari bang ako naman?

6 0 0
                                    

“Madalas na sumasagi sa aking isipan ang pagbabakasaling ako naman.”

Naalala ko ang minsang nagparaya ako habang nababasa ako dahil sa malakas na pagluha ng kalangitan. Naalala ko rin ang minsang nagpakahibang ako't nagpaniwala sa matatamis na mga pangakong binitawan. Naramdaman ko rin kung paano ako napaikot at sumugal nang labis at sa kalauna'y naiwan din akong mag-isa.

Kung mararapatin kong itala sa pluma ang lahat ng aking dinanas, ay kulang ang isang libong pahina upang ilahad ko sa kung paano ako malunod sa sakit na dinulot niya.

Naranasan ko ang lahat ng ito habang patuloy kong dinadama kung kaya pa bang pumintig ng puso ko. Kung sasariin ngayon ang aking puso ay siguro'y kalunos-lunos na ang sinapit nito. Hindi lang sapantaha at pahimakas ang naramdaman nito. Kundi pighati't pagkasawi na hanggang ngayon ay dinadanas ko.

Tuwiran kong masasabi, na hanggang ngayon ay patuloy ko pa ring masasambit ang pagbabakasali, na sana'y ako naman ang piliin sa dulo.







------------------------------
Isinulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now