Ikaw ay sigurado

3 0 0
                                    

"Sa isang libong pagdududa, ikaw ang natatanging tiyak."

Sabihing mang nahihibang na ako sapagkat sa dami ng pagpipilian ay sa'yo pa rin ako tumatakbo. Hindi ako hibang kung sasambitin kong ikaw nag-iisang tiyak dahil alam ng puso at isipan ko na kahit anong mangyari, ang ngalan mo pa rin ang patuloy na nakaukit sa mga ito.

Hindi kita pinagdududahan sa mga bagay kahit ang tingin ng iba'y may bahid ng pang-uyam. Pilit kong tinatakpan ang dalawa kong tainga upang hindi ko maulinagan ang anumang masasakit na pagpigil nila sa'tin. Para sa iba ay hindi ka sapat at ikaw ay kaduda-duda, ngunit sa'kin higit ka sa tiyak, higit ka sa sapat.

Handa akong magbibingi-bingihan at magbulag-bulagan, lalo pa't batid kong sa laro ng pag-ibig, ang pagmamahalan natin ay nangingibabaw.






------------------------
Isinulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now