Bakit hirap tayong umamin?

7 1 0
                                    


Bakit hirap tayong umamin?
Bakit nauumid ang ating dila sa tuwing pagsinta'y sasabihin.
Bakit hirap tayong bumuo ng tamang salitang maisasambit sa kaniya.
Bakit tayo nagdadalawang isip at nag-aalinlangan pa?
Kung maaari naman nating sabihin nang tuwiran.

Nauunawaan kong hirap tayong sabihin ang katotohanan.
Lalo pa't kung batid mong wala rin itong patutunguhan.
Subalit bakit hindi mo subukan?
Bakit hindi mo subukang pakawalan ang iyong nararamdaman.
Sa halip na magtago ka sa katauhan nang hindi nalalaman.
Ay sana'y isiwalat mo ang iyong buong katauhan.

Walang magbabago at mawawala kung ikaw ay umamin.
Ihanda mo na lamang ang sarili sa ano mang kaniyang sasabihin.
Kung sakaling pagsinta mo'y hindi niya kayang tanggapin.
Ang mahalaga nagawa mong umamin at naipakita mo kung paano mo siya pangarapin.

— miss tala

PIECE OF MINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon