Nauumid ang Pag-ibig

9 2 0
                                    


Marami akong bagay na nais sabihin at itanong sa iyo.
Katulad sa kung kumusta ang takbo ng bawat araw mo
Nakakakain ka ba ng sapat? O di kaya'y mga bagay na nagpapasaya sa iyo.

Subalit nang makaharap na kita'y tila napipi ako,
Hirap akong bumuo ng tamangooo balarilang isasambit sa iyo.
Hindi ko batid kung bakit ako nagkakaganito.
Basta ang tanging alam ko lang ay kung paano tumibok ang puso ko.
Kapag kaharap kita'y napangungunahan   ako ng takot at kaba.
Ang mga salitang matagal kong pinag-isipan ay naglalaho bigla.
Hindi ko maamin ang aking nararamdaman sapagkat ako'y may pangamba.
Pangamba na baka ang pag-ibig ko'y hindi mo tanggapin, sinta.
Subalit kahit gano'y umaasa ako at nanalangin kay inang sinagtala.

Panalangin ko'y kung hindi man maging tayo sa dulo.
Ikaw pa rin ay patuloy na ipapanalangin ko.

— miss tala

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now