Maligaya akong kasama ka

10 1 0
                                    

"Subukan mo akong tanungin kung maligaya ba akong kasama ka at ang tugon ko'y hindi kita bibiguin,"


Kulang na ilarawan ko ang langit sa kung paano mapunit ang labi ko sa tuwing nasisilayan at nakakausap kita. Dinadama ko ang mga sandaling nayayakap ko ang tinig mo't nayayapos ang iyong mga kamay. Hinahayaan ko ang puso ko na isigaw ang ngalan mo habang umaasa akong mauulinigan mo ang pagdaing nito. Walang kupas at dumaan man ang maraming bukas. Ang presensiya't piling mo pa rin ang hinahanap-hanap ng aking labi at mga mata. Lubusan akong nabanaag saiyong pagkatao't hindi ko maitatanggi pa.

Ngayon ay walang labis at walang kulang kong itinalaga ang kasagutan sa isa sa mga libong tanong. Walang pagsisisi kong inukit ang mga letrang nababasa't nakikita mo ngayon. Lunod na lunod sa kaligayahang handog mo, busog na busog ako't sumisigaw ang ligaya. Kung tatanungin mo ako ng mga katanungang katulad nito, ang palaging sagot ko ay "Oo maligaya ako,"


-------------------------------------
Isnuulat ni Sapantaha

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now