Pinapahalagahan pa rin kita

3 0 0
                                    

Kahit walang namamagitan sa ating dalawa.
Pinapahalagahan pa rin kita
Mula sa kung paano kita nakausap at nakilala.
Ni minsan ay hindi ka nabura sa isip ko.
Minsan na rin kitang isinama sa mga panalangin ko.
Hindi ko matukoy sa kung bakit malaki pa rin ang lugar mo rito sa puso ko.
May kung ano-anong mga paruparo ang nagliliparan sa paligid ko
Hindi ko naman dapat nararamdaman ito
Subalit bawat pagkagat ng dilim ay sadyang ikaw ang iniisip ko.
Hindi ako nagsisisi na nagkaroon tayo ng uganayan sa isa't isa.
Hindi ako nagsisising naibigan kita.
Oo, minsan lang kung tumibok nang labis ang puso kong ito.
At saiyo ko naramdaman ang tibok na hinahanap-hanap ko.

Mawalan man tayo ng ugnayan sa isa't-isa
Asahan mo ang puso ko ay hindi bibitaw saiyo sinta.

— miss tala

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PIECE OF MINDWhere stories live. Discover now