Chapter 19

14 0 2
                                    

Chapter 19
Fairytale

"Monday pa talaga? Dalawang araw kang mawawala rito?" malungkot na tanong ni Lorraine habang sinusundan akong lumabas ng bahay bitbit ang maleta ko. "Bakit kasi biglaan naman ang seminar na 'yan?"

Binaba ko sa tabi ng sasakyan ni Ace ang maleta para harapin ang kaibigan kong nagmamaktol simula kahapon nang sabihin kong aalis ako. Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at ngumiti.

"Wala tayong magagawa dahil busy si Xajin sa Cebu. I'm the only one who can attend this," panunuyo ko sa kaniya. "Babalik ako, promise."

"Basta tawag ka pagdating mo ro'n 'ha? Ingat kayo sa biyahe."

Marahan kong tinapik ang balikat niya. "I will. Kayo rin ni Roxanne huwag magpapagod. Matulog ka na, maaga pa."

Tumango siya sa akin bago ko kinuha ang maleta para ilagay sa trunk ng sasakyan ni Ace. Isang maleta at isang carry-on bag lang ang dala ko dahil dalawang araw lang naman akong mawawala. Kung kailanganin ko man ng malinis na damit pwede naman akong maglaba o bumili.

Nakasuot lang din ako ng tank top, cardigan, jeans at sandals para mabilis akong matapos sa inspection.

Nauna akong sumakay sa sasakyan habang si Ace nagpapaalam pa sa asawa niya. Hindi ko nga mapigilang matawa dahil nagkakamot ng ulo si Ace sa pagtatampo ng asawa. Mabuti na lang lumabas si Roxanne at inahabilin niya ang buntis sa kapwa niya buntis.

"Sorry sa paghihintay," aniya at nagsukbit ng belt.

Sinuot ko na rin ang belt ng passenger's seat at inayos ang upo ko.

"Seminar talaga ang pupuntahan?" pagdududa ni Ace sa akin. "O ibang seminar 'yan?

Natawa naman ako. "What reason can I say? Magkikipagkita ako sa lalaking dapat ikakasal? Gusto mong mahimatay si Lorraine?"

"Amber, huwag mo naman gawin biro itong sitwasyon n'yo ni Neon. Both of you are in a big mess if people found out about this. Kahit na sabihin mong nasa ibang bansa pa kayong dalawa kailangan pa rin magingat," paalala niya sa akin habang palabas kami ng subdivision. "I'm still skeptical about your relationship with him but I also want both of you be happy."

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti.

"Alam kong nag-aalala ka lang sa mga posibleng mangyari sa amin ni Neon. Pero sinabi ko sa kaniya na paninindigan ko at haharapin namin pareho ang mga problemang darating," paniniguro ko sa kaniya.

Today is the trip Neon suggested last time. Wala pa atang isang linggo nang napagusapang gusto naming magkita at ito na nga nakabili siya ng ticket papuntang Singapore.

Ang unang plano ay sabay kaming pupunta ng Singapore kaso naisip ko baka magkaramdam si Eunice. Kaya ang napagplanuhan ay mauna ng isang araw si Neon at susunod ako. He booked a flight to Malaysia first and bought another ticket to Singapore and meet me there.

Medyo nakaka-guilty nga dahil ang laki ng gastos ni Neon. But this is the safest way for us not be seen by people, specially Eunice.

It took around two hours before our plane departed. Hindi na ako natulog dahil ilang oras lang naman ang biyahe ko. I called Neon before boarding para alam niya anong oras niya ako susunudin sa airport.

"Ladies and gentlemen, Air One welcomes you to Singapore Changi Airport. On behalf of the flight crew, we thank you for choosing us as your airline. Air One is the only one. Have a wonderful trip!"

The words of the flight attendant echoed in my mind as the plane touched down in Singapore. I unclipped my seatbelt and glanced out the window. Singapore is a remarkable place to experience an urban and natural lifestyle. Excitement rushed to my heart as I realized Neon and I will be together for two days and enjoy our time for ourselves.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now