Chapter 25

4 0 1
                                    

Chapter 25
Abode

I stretch out my arms to snuggle myself to the person beside me. Last night was the best sleep I have ever had in a while. I wish I could relive it again and again.

Naramdaman ko naman na nilagay niya sa likod ko ang kamay niya at marahan akong hinaplos. Kahit na kagigising ko lang parang bumibigat na naman ang talukap ng mata ko.

"Are you planning not to go to work?" he asked.

"Let's stay like this for a minute," bulong ko sa kaniya at mas siniksik ang sarili sa dibdib. "Baka hindi na maulit 'to."

"Ha? Bakit?"

Binuksan ko ang mata ko at tumingala sa kaniya. "Bakit uuwi ka ba mamayang gabi sa bahay?"

"Sure. I can sleep beside you," alok niya.

"Talaga?"

Tumango siya. "Bakit parang nagdududa ka?"

"Hindi, iniisip ko lang baka sobrang pagod ka sa trabaho tapos ang layo-layo ng bahay," dahilan ko sa kaniya. "Ayokong dagdagan pagod mo."

"No, I will never be tired going home to you. Ikaw pahinga ko," pabirong sabi niya.

Binaba ko naman ang tingin ko sa bintana ng opisina niya. Hindi naman ako nanananginip 'di ba? Neon and I? We finally have freedom to express how much we adore each other?

"Kinikilig ka ba?"

Napatingin ulit ako sa kaniya at bahagya siyang hinampas sa dibdib.

"A-ano? Ako? Kinikilig? Hindi ah..." nauutal na pagtangi ko kahit na alam kong umiinit na ang dalawang pisngi ko.

Then he suddenly kissed my forehead before carefully jumping out of bed. He's wearing pajamas, both of us. Nothing happened last night. Nothing happened, yet.

Kagabi kahit na kumakain kami at nanonood ng movie hindi mapaghiwalay ang kamay namin. Hindi rin siya maawat sa pagyakap sa akin. Ayaw niya rin mawala ako sa paningin niya.

He's so clingy...and I love him for that.

Wala naman akong ine-expect na may mangyayari pero may nagsasabi sa puso ko na kahit konti lang sana meron? Hindi ko maintindihan. Gusto ko na ayoko. May nangyari na sa amin..noon. Bata pa kami. Wala kaming idea kung paano, we are each other firsts. We don't know how to do it.

At ngayon may basbas na ang relasyon namin parang nakakakaba kung kaya ko bang ibigay ang pangangailangan niya. Wala naman akong ibang experience maliban sa kaniya.

Bumaba na rin ako ng kama para maghilamos at suotin na ulit ang damit ko. I need to go home today, I work to do after the stressful night.

"Is this okay? Hindi ko ba kailangan palitan ang damit ko?" tanong ko kay Neon.

"Nakita ka na niyang nakasuot ng pantulog. She can ignore it," sagot niya.

Huminga ako nang malalim at inayos ang laylayan ng damit ko. A navy blue dress with floral embroidery on the hem. Hindi naman siya pangit suotin para sa isang formal event pero pakiramdam ko underdress ako para sa gabing ito.

Ilang araw na ang nakalipas nang arestuhin si Eunice. Mula umaga hanggang gabi siya ang pinaguusapan sa balita. May mga nagtestigo na rin sa kaso niya at nagsalita na rin ang dati niyang handler. Her management posted a termination of her contract and all her endorsement pulled her from their list.

Nakakaawa siya.

Kaya sa ilang araw na stress inimbitahan kami ng magulang ni Neon para sa isang dinner. Simpleng hapunan lang daw para mas makilala pa ako ni tita.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now