Chapter 08

30 5 10
                                    

Chapter 08
Residence

Balik trabaho na naman ako pagdating ng Monday. We had a lot of meetings to attend inside and outside the hotel. Tita Belle is trying to find new linen sheet suppliers for their branch in Batangas. Dahil maraming nag-book last holiday season, most of the sheets they have stored are low on stock.

I got myself busy now encoding the summary of the meeting a while ago. Mabilis naman akong makipagsabayan sa kanila. Even though I have my secretary, I still do notes for additional information if I want changes. Kaya hindi ako nauubusan ng mga sticky notes sa opisina ko.

Binilisan ko na ang trabaho ko dahil may meeting kami ng 1pm with another supplier. Hindi pa nga ako nag-lunch kaya kahit gutom, work pa rin. Tiisin mo lang Amber, para kay Lorraine at Ace ito.

When I noticed it's time to go, I went inside the office to tell Tita Belle. Hinihintay ko siyang mag-ayos muna ng make-up niya 'tsaka kami bumaba.I already called the company driver to get ready as well para sasakay na lang si tita.

Sa likod umupo si tita habang ako ay sa tabi ni Kuya Reno.

Medyo malayo-layo ang meeting place namin kaya five minutes before the time na kami nakarating. May traffic pa sa dinaanan namin.

Iniwan namin si Kuya Reno sa labas 'tsaka kami pumasok. A host assisted us to the VIP room Mr. Aguilar reserved for us. Naroon na siya't umiinom ng kape.

"Sorry if we're a bit late. May traffic kasi," Tita Belle apologized and took her seat. Nanatili naman akong nakatayo sa tabi niya.

They started first by ordering something for tita and for me as well. Medyo nakakahiya nga dahil sabit lang naman ako rito.

"Huwag ka na mahiya pa, Amber. Libre ito ni Mr. Aguilar," biro ni tita.

Tumawa naman si Mr. Aguilar kaya nakitawa na rin ako.

One tip when you're having a meeting with your prospective client or supplier, laugh with his jokes even if it's not funny at all. Iisipin nilang interesado ka talaga sa kanila at baka bigyan ka pa ang discount.

Kinain ko naman ang cake na in-order nila para sa akin. Masarap naman. Strawberry 'eh. But I'm not a sweet tooth.

Habang kumakain ako biglang nahulog sa damit ko ang icing ng cake. Ang burara ko talaga kapag kumakain.

"Ma'am," I called Tita's attention and pointed to my dress that was ruined by the icing. "I'll just go lang po sa restroom."

She nodded. Nagpaalam din ako kay Mr. Aguilar.

Lumabas ako mula sa VIP room at nagtanong sa staff kung saan ang banyo nila. Pagpasok ko sa banyo ay humarap ako sa salamin para tingnan kung namanstahan ba ang blouse ko.

"Hindi naman halata," bulong ko.

I took some wet wipes available here to wipe the icing. Nagkaroon ng marka pero hindi naman gaanong halata dahil sa pattern ng dress. After doing that I went out the restroom.

May hallway ka munang dadaanan bago makarating sa mga VIP rooms. Sa pinakadulo ang naka-reserved sa amin.

"I'll just take this call," rinig kong nagsalita ang isang babae. Bumukas ang isang pintuan ng VIP room na malapit sa akin at iniluwa si Eunice.

Natigil din siya nang makita akong nasa harapan niya. She's wearing a maroon body hugging dress. Nakalugay ang kaniyang buhok at sobrang pula naman ang kaniyang labi.

"Oh! Amber!" natatarantang bati niya sa akin.

I smiled. "Nandito po pala kayo Ms. Eunice."

"You have reservation here?" kinakabahan niyang tawa at tinignan ang suot ko.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz