Chapter 13

24 2 12
                                    

Chapter 13
Meet

"Sa guard house mo na lang ako ibaba. Lalakarin ko na lang hanggang sa bahay," pahayag ko kay Neon nang makita kong malapit na ako sa subdivision nila Lorraine.

"Tirik ang araw. I can drop you off sa labas mismo ng bahay nila."

"Huwag na. Hindi alam ni Lorraine na ikaw ang kasama ko," saad ko.

"Hindi ka nagpaalam?" medyo may gulat sa boses niya.

Tinaasan ko naman niya ng kilay. "Bakit pa ba ako magpapaalam? Am I a teenager or a kid?"

"No..." mabagal  niyang tugon.

Ready'ng-deady na akong bumaba sa guard house nang may biglang nauna sa aming mag-right turn dahilan para biglaang magpreno si Neon. Kung hindi ako naka-seatbelt ay baka nauntog na ako sa dashboard.

Jusko! Hindi man lang bumusina?!

"Ihahatid na kita sa loob baka may ganong driver na naman," malamig na sabi ni Neon.

I didn't protest and allowed Neon to drive inside the subdivision. The anticipation grew within me as we approached Lorraine's house. However, my heart skipped a beat when I noticed a familiar car parked just outside. Its rusty orange color stood out—amber, to be specific. And the license plate number looked all too familiar.

Nang tumigil na ang sasakyan ni Neon ay mabilis akong nagtanggal ng seatbelt at bumaba. Wala akong pakialam kung hindi na ako nag-thank you sa lalaking iyon dahil may mas importante pa kaysa sa kaniya.

I'm not dreaming, am I?

"Xajin?"

Nawala ang atensyon niya sa kaniyang telepono nang marinig ako. He drops his phone inside his pocket before running towards me for a hug. We've been together for years but three months I'm away, I feel like it was years. Nandito na siya!

"Ikaw nga!" masayang sabi ko.

Tumawa siya at inipit ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko. Kita ko ang sabik sa mata niya.

"Nandito na pala ang hinahanap!" biglang sumulpot si Lorraine sa harapan namin. "Saan ka galing? Paano ka nakauwi?"

I glance outside to check if Neon is still waiting. He was not there. He already disappeared. Syempre naman. Bakit naman niya ako hihintayin?

"Is there something outside?" tanong ni Xajin at napatingin din sa labas.

Umiling ako nang todo at tinulak siya nang bahagya patungo sa loob ng bahay.

"Let's go inside. Doon na lang tayo mag-usap, mainit dito!" saad ko para mawala ang atensyon nila sa akin.

---

"Bakit hindi ka man lang nag-text o tumawag na darating ka? Sana nasundo ka namin," medyo may pagtatampo ang boses ko kay Xajin. Willing naman akong gumising nang maaga kung darating siya nang madaling araw.

He chuckled and patted my head. "If I texted you I was coming, it will not be a surprise anymore. 'Tsaka I took car ferry from Cebu kaya nadala ko kotse ko kaya hindi na kailangan ng sundo."

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. He really don't need to make any surprises for me. Sapat na sa akin makita ko ulit siya ngayon.

Dahil tanghalian na rin, niyaya na namin si Xajin na kumain. Hindi mawala ang ngiti ko habang kumakain. I really wanted to introduce Pampanga how he introduced Cebu to me. This is my place so even if we can't have a tour. Kahit sa pagkain man lang ay maipakilala ko ang pagiging Kapampangan ko sa kaniya.

"Kain ka pa," sabay lagay ko ng adobong niluto ni Ace para sa amin. "Try mo rin itong sisig ni Ace! Sobrang sarap niyan!"

"Wait lang, Amber. May ulam pa ako sa plato," natatawang sabi niya.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt