Chapter 04

36 5 4
                                    

Chapter 04
Party

"Ikaw na lang muna bahala sa bahay 'ah?" paalala sa akin ni Lorraine habang nagsusuot ng two-inch black heels niya. It's a perfect match for her black sequin dress that hugs her bump and body. "Anong oras nga ulit uuwi si Rox?"

"Sabi niya sa akin baka hatinggabi na o bukas madaling araw na lang siya babalik. But I told her she can stay at her husband's hotel until tomorrow evening. Ayoko naman agawin ang oras nilang dalawa."

Lumipad mula Cebu papunta dito sa Pampanga ang asawa ni Roxanne. It's their anniversary this coming Friday and her husband took a couple of days leave. I gifted them a couple watches and a bigger hotel room to stay in. A simple gratitude for my secretary to fly and stay with me here in Pampanga.

"So, okay ka lang mag-isa ngayong gabi? Baka kasi abutin din kami nang madaling araw."

Tumango ako at nag-thumbs up. Kanina pa siya nag-aalala sa akin dahil ako na naman maiiwan sa bahay.

"Don't think too much about me. Kaya ko na sarili ko, enjoy mo na lang party," I assure her.

Napalingon naman ako sa bagong dating na si Ace. His hair is slicked back unlike his usual bowl cut hair. Napansin ko rin na may suot siyang piercing.

"Gwapo natin tonight 'ah?" malapad na ngiti ko sa kaniya.

"Ngayon lang?" he spits back while fixing the cuffs of his tuxedo.

"Oo na, araw-araw."

He chuckled and assisted his wife outside. I followed them as well to close the gate after leaving.

"Ingat sa pagda-drive!" sigaw ko bago pinaharurot ni Ace ang kanilang sasakyan.

Tonight is the engagement party. Ayaw man sana sumama si Lorraine dahil wala nga akong kasama ngayon kaso sila kasi ang catering ngayong gabi. Personal din silang in-invite ni Neon para dumalo.

Since I don't have any tasks pending, I let myself be lazy for tonight. I took some chips and cola and brought them to my room. I need to spoil myself sometimes to recharge and grind again. Ang hirap naman kung parating work and work lang.

Habang naghahanap ako ng pwedeng panoorin ay napukaw ng atensyon ko isang movie. The poster has a familiar person on it. Muntik ko nang makalimutan na artista nga pala ang mapapangasawa ni Neon.

I checked the description of the movie. The title was 'I do, I did' and it's about relationships and marriage. The female lead, Eunice, was getting married to the male lead. They have an almost perfect relationship until Eunice cheated.

Hindi ko napigilang matawa sa plot. Inspired ba ito sa buhay niya?

I haven't told anyone about what I have seen and know. I have no right to tell them. Buhay nila 'yon, sila ang dapat mismong makaalam ng katotohanan. Kung sasabihin ko baka isipin pa nilang gusto ko pa silang paghiwalayin. The hell I care about their relationships.

Nawala ang atensyon ko sa pelikula nang may narinig akong tunog. Lumabas ako at sinundan kung saan 'yon nanggagaling hanggang sa makita ko ang phone ni Lorraine sa taas ng shoe cabinet.

I saw someone calling her. Number lang kaya 'di ako sure kung sino.

"Hello?" I answered the phone.

"Ma'am Lorraine? Si Jessica po ito, may emergency po ngayon sa restaurant. Hindi po sumasagot si Sir Ace," tugon ng kabilang linya. "Kailangan na po kayo rito."

"Sorry, Jessica, wala ngayon sa bahay si Ma'am Lorraine n'yo. Naiwan niya phone niya. Anong nangyari ba? Maybe I can relay the message to her."

"Ah..ano po kasi...may customer na nanggugulo rito."

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now