Chapter 22

4 0 0
                                    

Chapter 22
News

"Kunin ko lang yun mga pinamigay nila sa loob. Dito lang kayo," paalam ko sa dalwang buntis pagkatapos kong ihatid sa sasakyan.

Around 4pm na natapos ang event kaunti na lang ang nag-stay para tapusin kaya maraming naipamigay sa giveaways ang mga sumaling brands and small businesses. Pumasok ulit ako para kunin nag mga gamit namin. Nakita ko pa si Ace na kausap ang ibang guests.

"Look who's here, a snake leeching off from her friend."

Natigil ako sa paglalagay ng pagkain sa paper bag nang marinig ang boses na 'yon. Lumingon ako at nakita si Eunice na nakangisi sa akin. Wala naman ibang tao sa paligid namin kaya hindi na siya pinagkakaguluhan.

"Anong kailangan mo?"

Mas lumapit siya sa akin kaya agad na nahulog ang tingin ko sa kumikinang niyang kwintas. It's a diamong necklace that highlights his collar bones. She's in a new outfit, a patterned blazer and pants combination.

"Just wondering if you have time to talk? You know I have unfinished business with you," sarkastikong sabi niya.

"Pwede naman tayong mag-usap ngayon," kampanteng sabi ko at binalikan ang ginagawa ko. "Bilisan lang natin at may naghihintay sa akin."

"They can wait."

Napapikit ako sa pamimilit niya. "Eunice, aderetsuhin mo na lang kung anong sasabihin—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tinulak niya ako nang malakas. Mabilis akong nakahawak sa isang upuan kaya hindi ako natumba tuluyan. Kunot noo akong tumingin sa babaeng ito. Ano ba ang problema niya?

"Anong problema mo Eunice? Hindi ka ba nahihiya? May ibang tao!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Other people? It's just the us here," mapang-asar niyang ngiti.

Nilibot ng mata ko ang event hall, wala ngang ibang tao maliban sa amin. Nasaan si Ace? Bakit bigla na lang nawala na parang bula lahat ng taong nagliligpit kanina? Yung mga pagkain nakakalat pa rin sa mga table at iniwan lang nilang magulo ang mga booths.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Nararamdaman kong namamawis na ang kamay ko sa takot kung ano ang balak ng babaeng ito.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Kumuha siya ng wine bottle at binasag sa harapan ko. Napakurap-kurap ako sa takot nang itinapat niya sa akin ang matulis na dulo ng bote.

"Bi-bitawan mo 'yan! May masasaktan ka!"

"Concern ka na baka may masaktan ako but you never thought if you are hurting me?" palakas na palakas ang boses niya.

Ang unti-unting paglapit niya ay siyang kabaligtaran ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nasaan si Neon? Bakit hindi niya bantayan ang babaeng 'to?

"Eu-eunice! I did not hurt you!" sigaw ko pabalik sa kaniya habang lumalayo. "Umaasa ka pa rin bang mapapaikot mo si Neon? Gising na siya sa lahat ng kasinungalingan mo!"

"He's mine!"

"No, he is never been yours! You manipulated him!"

Nag-igting ang panga niya. Hindi agad ako nakagalaw nang bigla siyang tumakbo at sinakal ako. Flashbacks of Dylan flashes in my mind. Although he has stronger arms, Eunice's fingernails pricking my skin.

"Arghh–Eu—ahh," napapikit ako sa sakit at paghabol ng hiningak ko. "Ackk—"

Naramdaman kong dumikit na sa balat ko ang bote. May mahapdi akong nararamdaman sa pisngi. Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ulit na mas nilapit niya sa akin ang bote.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now