End

4 0 0
                                    

End
Promise

"Ayos lang po kayo ma'am?" tanong sa akin ni Roxanne. "Kanina ko pa po napapansin na ang tahimik ninyo."

Ngumiti ako nang malapad sa kaniya. "I'm okay. Nanibago lang ako sa pagsakay ng eroplano."

"Pahinga po kaagad kayo pagdating sa condo," aniya.

Tumango naman ako sa knaiya bilang tugon.

Honestly, it wasn't just that.

We are now back in Cebu, my second home, where I restarted my life—building a name and creating a fresh start. But why do I feel something is missing…something is different and foreign than before.

Sinundo kami ng asawa niya sa airpot kahit na sabi ko pwede naman akong tumawag ng service mula sa hotel. Kung tutuusin dapat si Xajina ng magsundo dahil siya naman ang nagsabi sa akin na umuwi na ako. Kaso nagpumilit si Roxanne sa akin kaya ito papunta na kami sa condo ko.

Pagkuha namin ng mga gamit ay agad kong ni-text si Xajin na nandito na kami. Hindi pa siya nagre-reply sa akin hanggang ngayon. Baka tulog na dahil hatinggabi na rin kami nakalapag.

"Thank you sa paghatid sa akin. Ako na bahala sa mga gamit ko," pasasalamat ko sa mag-asawa. I unload my thigns from the trunk of Troy's car. "Magkita na lang tayo sa hotel, Rox. You should rest. Ingat kayo sa biyahe."

"Thank you po ma'am. Mauna na po kami," paalam din niya sa akin.

Hinintay ko muna silang makalayo bago ako umakyat sa unit ko.

Now, I am alone again.

Tinapon ko ang sarili ko sa kama nang makapasok na ako sa kwarto. Halos kalahating taon din pala akong hindi nakatulog sa kwartong ito. I closed my eyes and turned my AC on to induce sleep. Hindi naman malayo ang Pampanga sa Cebu pero nakakapagod ang araw na 'to…lalo na ang buhay na 'to.

Why is it difficult to be happy?

Maaga akong nagising kinabukasan para i-check ang mga kailangan ko sa condo. Bago ako umalis sinigurado kong wala akong mga pagkain na nakalagay sa ref kaya wala tuloy akong makain pang-agahan. Naligo na lang ako at nag-ayos para sa hotel na lang ako mag-breakfast.

And it was a blessing in disguise dahil biglang nag-text si Xajin na gusto niya akong makausap. Nag-reply naman ako sa kaniyang papunta na ako sa hotel at sabay na lang kaming kumain.

Pagdating ko ay agad akong napangiti nang makita ang signage ng hotel. Amber's Abode. Custom ang logo namin at mismong handwriting style ko ang pinili ni Xajin para sa branding. It's not as luxurious as Casa Ledesma but it has its own personality. Excited na akong makita rin itong nakasabit sa Pampanga branch namin.

Pumasok ako sa lobby at binati ang mga staff pero lahat sila nagulat na nandito na ako. Hindi ba sinabi ni Xajin na babalik ako?

My confusion was redirected when I saw Xajin sitting at our favorite spot at the buffet. And as usual pinalilibutan na naman siya ng mga babaeng naka-swimsuit. Iba talaga charisma ng isang De Cuesta.

Nakangising lumapit ako nang umalis na ang mga kausap niya.

"Hinihingi ba nila number mo?" may palabirong tono sa boses ko.

"Hindi ko naman ibibigay," seryosong sabi niya sa akin. "I already asked Marco for breakfast, is that okay?"

"Okay lang," nakangiting sabi ko.

I saw his eyes shift to my arm. Agad kong binaba ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa nang makitang sumisilip ang sugat ko. Nag-long sleeves na ako para hindi nila makita ang nangyari sa akin. I don't want my staff to be worried about me.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now