Chapter 23

4 0 0
                                    

Chapter 23
Truth

Pagbaba ko ng taxi aagad na bumungad sa akin ang mga reporters sa labas ng lobby. Kinakausap sila ng isang staff ng hotel at mukhang hindi siya pinagbibigyang pumasok sa loob. May dumating na van galing sa isang kilalang entertainment network at may bumabang tatlong reporters.

Napatingin sa akin ang isa sa mga reporters kaya agad akong umiwan ng tingin. Nakita kong may grupong foreigners na papasok sa hotel kaya sumabay ako na ako sa kanila.

This is starting to get out of hand. People are trying to meddle with personal problems.

Sumakay ako sa elevator at pagdating ko sa floor kung saan ang opisina ni Neon ay nakita ko si Echo.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Echo at hinila ako sa may lounge area.

"Kailangan kong kausapin si Neon. He needs my help," saad ko sa kaniya. "Marami nang reporters sa baba baka lalong lumaki itong issue na 'to."

"Alam namin kaya marami na akong tinawagan para ma-take down yung article at nagpahanap kung sino ang nagpakalat no'n."

"Nasaan ba si Neon? I want to know what I can do—"

"Amber."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang hinahanap ko.

He's calm. He is smiling at me as if nothing is happening right now. Lumapit na ako sa kaniya.

"Ano? Anong pwede kong gawin? Tell me!"

"Umuwi ka na lang. Sinabi ko na sa'yo na 'wag ka na pumunta rito," kamadong sabi niya.

"I just can't be silent while people are bombing you with assumptions!"

Hinawakan niya ang dalwang kamay ko. Gentle and reassuring.

I want to hear from him he needs me. He needs someone to help him prove he's innocent. He is the victim. He needs to tell everybody the truth!

Huminga siya nang malalim at ngumiti. Isang ngiti na nagpakirot sa puso ko. He's not giving up is he?

"Neon naman," may pagmamakaawa na sa boses ko. "Haayaan mo silang isipin na ikaw ang masama? Ikaw ng biktima ni Eunice."

"Biktima man ako o hindi, they already crucified my name. They already assumed I am the wrong one."

"Kaya nga kailangan natin ayusin ang sina—"

"Amber, listen to me. It's not as simple as you think," putol niya sa sasabihin ko at binaba ang kamay ko. "If I tell everybody the truth now, they will still see me as evil. I will just look defensive to them."

I blinked rapidly with the realization he hit me.

Kung gusto mong i-explain ang side mo sasabihan kang defensive pero kung mananatili kang tikom ang bibig iisipin nilang totoo ang tsismis.

This is ridiculous.

I stayed that night at the hotel. Neon apologized to me about Lorraine. Hindi ko naman siya sinsisisi dahil ako mismo ang nagdesisyon na magsinungaling sa kaibigan ko. Maybe this is a blessing in disguise para hindi na sila madamay pa.

Hindi rin ako nakatulog nang mahimbing kahit isa sa pinakamalaking hotel room ang binigay ni Neon. Hindi ako mapakali sa pwedeng mangyari. Binuksan ko ulit yung article pero wala na. May mga nakita akong mga screenshot posts ng ibang pages tungkol do'n at hindi pa rin sila tapos sa pagsasabi ng masasama tungkol sa kaniya.

Why do people easily judge people from one story?

The next day I went to Neon's office again to bring breakfast for him. Nadatnan ko na siyang tutok na tutok sa trabaho kaya tahimik ko na lang nilagay sa coffee table ang inorder kong breakfast.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now