Chapter 30

8 0 0
                                    

Chapter 30
Airport

When you love someone, you should accept their flaws and shortcomings. When you love someone, you should trust them as much as you want them to trust you. When you love someone, you should stay by their side regardless if they are at the highest or lowest point of their lives.

That is the definition of a relationship, it is a commitment.

Pinunansan ko ang basang pisngi ko bago ko iniwan si Neon. Baka kailangan lang niya muna ng space ngayon. I can wait for him outisde the interrogation room.

Umupo ako sa waiting area ng presinto. Lumapit sa akin si Atty. Chelle para magpaalam dahil kailangan pa raw niyang isumite sa regional court ang testimonya ko. He also heads up me to be ready for the first hearing.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ako naghihintay sa labas. Nang biglang dumating si Echo at lumabas ng interrogation room si Neon.

"Neon!" tawag ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig.

"Echo, pakihatid na lang siya pauwi. I need to go somewhere," utos niya sa sekretarya.

"Okay, sir."

Kumunot noo naman ako sa kilos niya. "Neon, saan ka pupunta? Kausapin mo ako, please!"

Hindi siya nagsalita at iniwan kaming dalawa. Susundan ko sana pero pinigilan ako ni Echo, Napatingin ako sa kaniya 'tsaka siya umiling.

"Ihahatid na kita," sabi niya.

"Nakita mo 'yon? He ignored me," sumbong ko sa kaniya. "Explain mo nga sa akin bakit pati sa akin galit siya? I understand that his heart is breaking because of Dylan pero bakit pati ako tinataboy niya?

Bumuntong hininga si Echo. "Nabigla siya sa nalaman. He need time and space for now."

Napapikit ako. Kaya kong ibigay sa kaniya 'yon, the time and space, pero masakit para sa akin na itaboy lang niya ako bigla. I can't just stay away from him without any assurance he will be okay.

Wala naman akong nagawa at nagpahatid na sa bahay at bumalik na si Echo sa hotel. Sinalubong ako ni Aling Coring at sunod-sunod ang tanong niya kung anong nangyari sa presinto. Nagkwento naman ako sa kaniya pero hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa ginawa ni Dylan sa alaga niya. It's better to be ignorant, I don't want to stress more other people.

I tried to contact Neon that night but he is not responding. Si Echo naman sa text lang nakakapag-reply at hindi raw niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng boss niya. Tahimik lang daw ito at trabaho ang inatupag pagbalik sa opisina. He also adviced me not to meddle in Neon's emotions as of now.

Is it wrong that I told the investigator about the truth while he was there?

It took two days for Neon to reply to my messages but my excitement subsided when I saw it was just for the hearing schedule—a week from now. Makakapaghintay ba ako hanggang sa araw na 'yon?

"Maysado kang nag-o-overthink," sabi ni Lorraine habang papasok kami sa regional court para sa unang hearing ng kaso.

"Concern lang ako kay Neon," rason ko. "Ikaw rin naman 'di ba? Kung may pinagdadaanan si Ace gugustuhin mong tulungan siya?"

Ngumuso siya at sumulyap sa asawa. "Oo pero hindi naman natin mapipilit yung tao. If they don't want any help, let them be."

Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa entrance ng courtroom at nakita kong pumasok si Neon at Echo sa loob. Si Atty. Chelle lang ang nakapansin sa akin at nilapitan ako para paaalalahanan ng mga kailangan kong sabihin.

Pumasok na ang lahat. Umupo ako sa tabi ni attorney at hinintay na sa tatabi sa akin si Neon nang si Echo ang umupo sa kanan ko. Sumulyap ako sa kaniya. He's not showing any emotions right now.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now