Chapter 18

19 1 4
                                    

Chapter 18
Together



One thing I learned in my life is to take responsibility and accountability for the risks that might happen to all your decisions. Kahit na mahirap gawin kailangan panagutan. Ikaw ang nandoon nang mangyari ang dapat mangyari.

Nakipagtitigan ako sa reflection ko sa salamin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nasa loob ng banyo ni Neon pagkatapos akong magising.

Nothing happened to us. My clothes were fully intact when I woke up. He was drinking his usual morning coffee while reading documents when I opened my eyes. It feels like a fever dream to be with him again after years of not contacting each other.

Masaya ako. Masaya ako sa nangyayari. Masaya akong nalaman na niya ang dahilan kung bakit ako umalis. And he needs to know everything now.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko siyang naghahanda ng pagkain sa coffee table.

"Let's eat breakfast? Okay lang ba omelet and bacon? O order pa tayo?" tanong niya.

Nilapitan ko siya at mabilis na niyakap. I miss him.

"Oh, you want me?" pabirong sabi niya.

I looked up at him. "I need to tell you something."

"Hmmm? Tungkol saan?" kunot noong tanong niya.

"Tungkol sa akin," seryoso kong sabi at hinila siyang umupo sa coffee table.

"I'm on all ears," natatawang sabi niya habang hinahati ang omelet para sa akin.

"I want to tell you about my life in Cebu."

"Cebu...so that's where you lived for the past five years," aniya. "Bakit biglaan mo naman gustong sabihin? We can have a candlelight dinner or plan a picnic to talk about it."

"Gusto kong maging malinis sa'yo at malaman mo ang lahat-lahat."

He dropped the utensils and held my hand. "Huwag mong i-pressure ang sarili mo para ikuwento sa akin lahat. You can take your time."

"Kailangan ko nang maging malinis sa'yo. Ayokong pati ako ay may tinatagong lihim," saad ko sa kaniya.

Huminga siya nang malalim at hinayaan akong ikuwento lahat ng mga dapat niyang malaman. How my parents separated and how my mother died on my arms. Inamin ko na rin sa kaniya ang totoong ako, isang hotel business owner at hindi isang unemployed best friend ni Lorraine.

Akala ko ay magagalit siya sa akin nang sabihin ko sa kaniya kung bakit ako bumalik ng Pampanga. He was silent, just listening to me.

"Hindi ka ba galit?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang umiling at kinuha ulit ang kutsara at tinidor.

"Bakit ako magagalit?" tanong naman niya pabalik.

"Kasi nagsinungaling ako sa'yo."

"Ginawa mo 'yon dahil kay Lorraine 'di ba? You did it because you don't want to make the commotion bigger that night," aniya at sinubo ang pagkain niya. "I understand it."

"Are you sure?" tanong ko pa ulit. Hindi pa rin ako mapakali sa reaksyon niya.

He laughed at me. "Amber, sa tingin mo sasabihin ko bang mahal kita kung ang galit ang nangingibabaw sa puso ko?"

Umiwas ako ng tingin. Guilty lang naman ako sa ginawa ko sa kaniya. Kung hindi ako aamin sa kanya, wala rin akong pinagkaiba kay Eunice.

"So, the guy you were with when I was looking for you...is the business partner?" tanong naman niya sa akin.

Tumango naman ako habang kumakain. Why does this breakfast taste so good?

"You've been friends with him for five years?"

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now