Chapter 26

9 0 3
                                    

Chapter 26
Dinner Date


The sunlight kissed our bed through the veranda of our room. Echo invited us two to have a brunch or more like a lunch since it's almost eleven in the morning. I freshened up myself before we went to the buffet area by the beach.

Pagdating pa lang namin agad ko na naamoy ang inihihaw na seafood sa open kitchen nila. On the spot nilang niluluto ng order mo kaya fresh na fresh ang kakainin mo. Filipino cusiine halos ang nakikita kong pagkain sa buffet kaya madaling piliin kung ano ang gusto ng panlasa mo.

"Mabubusog ka na ba niyan?" tanong ni Neon habang sinisilip ang plato ko.

Papunta na kami sa table ni Echo.

"Babalik na lang ako kung kulang," saad ko sa kaniya.

Hinila niya ang upuan ko para makaupo ako sa tapat ni Echo. Echo smiled at me and darted his eyes on my plate.

"You should at least get some meat later. Gulay at hipon lang 'yan," sambit ni Neon.

I looked at his plate. "Hindi ba sasakit ang tiyan mo? Puro karne ang laman ng plato mo. Eat veggies, Neon."

"I need protein in my diet," aniya.

"But you also need vitamins and minerals to maintain nutrients. Hindi lang puro protein," saad ko sa kaniya.

"Ikaw kailangan mo ng carbohydrates. Maintaining your weight should not make you restrict from eating."

"Neon—"

Tumikhim si Echo kaya napatingin kami sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at parang sawang-sawa na sa nakikita niya.

"Pwedeng kumain na lang kayo nang kung anong gusto n'yo?" reklmano niya. "Niregalo sa inyo ni Ma'am Belle ang bakasyon na 'to para mag-relax hindi para mag-away kung ano dapat kainin ng isa't-isa. Kainin n'yo kung anong gusto ng sikmura n'yo, okay?"

Natawa naman ako sa sinabi ni Echo.

"Sorry po Sir Echo," pabirong sabi ko at sinimulan nang balatan ang inihaw na hipon. "My mouth will be close na po."

Tumahimik din si Neon sa pagkain niya. The first shrimp I peeled was for Neon. Magrereklamo sana siya pero tinuro ko ang secretary niya. It's a funny thing that he's being silenced by his secretary.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad kami sa may dalampasigan. Kahit tirik na tirik ang araw hindi naman nakakasunog ang init. May mga naliligo sa dagat kaya nag-aya si Neon. Noong una ayaw ko pa dahil naka-dress akong puti pero wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako sa tubig alat.

As playful as ever, Neon splashed water on me and I did the same to him. The brightness of the sun echoes through the waves of laughter and giggles we share as if our lives are free from worries. We played like innocent children only minding the happiness and fun, the gentle waves of water kissed our tanning skin.

"Neon!" napasigaw ako nang bigla niya akong binuhat. Naglalakad siya papunta sa mas malalim na parte ng dalampasigan. "Neon! Huwag mo akong—"

Huli na ang lahat. Bigla siyang bumaba sa ilalim nang tubig kaya napapikit na lang ako. Naramdaman ko siyang humawak sa tiyan ko at parang kuryenteng nagpamulat sa mata ko. Nakangiti siya sa akin at mabilis na nagnakaw ng halik.

And it was a reminder that the simplest things we enjoyed together are the true essence of love.

Humingi ako ng favor kay Echo na ipasyal muna ang kaniyang boss habang nire-ready ko ang surprise ko sa kaniya. Kaninang naglalakad kasi kami naisip kong bigyan siya ng surpriset—an intimate dinner for just the two of us.

Gusto ko sana dinner by the shore kaso lumakas ang hangin at makulimlim ang langit. Mukhang uulan kaya 'di ko na tinuloy 'yon.

Neon was born into a privileged family but he is a simple man. And the simplest thing can be the most memorable and romantic. Nakisuyo ako sa kitchen ng resort kung pwede ba akong magluto ng paborito namin ni Neon. Hinayaan naman nila ako at tinawagan ko si Aling Coring kung anong mga ingridients ang kailangan.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now