Chapter 24

1 0 0
                                    

Chapter 24
Eunice

"Ito lang yung mga naimpake ni Roxanne," sabi ni Ace at binigay sa akin ang maliit na maleta ko. "Dadalhin ko sana lahat pero nahuli kami ni Lorraine. Nagtatampo siya ngayon sa bahay."

Tinawagan ko si Roxanne na magpatulong kay Ace para mag-impake ng mga gamit ko. Pinalayas na lang ako sa bahay na walang dala. I can't do anything without my personal belongings.

"Thank you pa rin sa paghatid," nakangiting sabi ko.

"It's a small thing to do compared to how Lorraine reacted to your situation."

"Hindi ko naman siya sinisisi kung halos isumpa niya ako," pailing-iling na sabi ko. "I still lied."

"That's true. Kumusta pala? Kayo ni Neon?"

Sinabi ko ang dapat niyang malaman. From the very first page of our story to the current chapter we are in. Hindi ko naman siya ine-expect na mag-react nang malaki o mag-panic para sa amin pero it feels a bit lighter that I was able to tell another person about it. He was understandable and considers the words he said.

Medyo napahaba ang kwentuhan namin ni Ace dahil tumawag na ang asawa at pinapauwi na siya. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako bumalik sa loob ng bahay para ayusin naman ang mga gamit ko.

Neon, we can and we will unfold the truth.

I spent the rest of the day doing work. Neon has yet to message or call but Echo made updates about what is happening in the hotel. Sinabi niya sa akin na kinausap ulit ni Neon ang parents niya at inamin niya ang aksidenteng nangyari five years ago. Babalakin ko sana pumunta sa hotel pero sinabihan niya akong huwag na baka lalong lumaki ang gulo.

Echo didn't fill in the details, but something bad happened the way he spoke. I tried to check on Neon but he was still not answering.

Pero paggising ko kinabukasan inulan ako ng mga messages at notification mula kay Echo at Roxanne.

Napatakip ako nang bibig at namilog ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga headlines. Natulog lang ako ng isang gabi ano na nangyari?

Nice to Vice: Eunice dela Cruz viral video in Casa Ledesma.

Eunice dela Cruz viral video, her true colors?

Wedding No More: Eunice pleading for a second chance in her viral video.

Dramatic Actress sa Pelikula pati pala sa totong buhay?

Mabilis kong tumawag ng taxi para pumunta sa hotel. Kahit na inaawat ako ni Aling Coring hindi ako nagpapigil para puntahan si Neon. Pinagtitinginan pa ako ng mga tao pagsakay ko sa elevator.

"Echo!" sigaw ko nang makita siyang naglalakad pabalik sa opisina ni Neon. "Totoo ba?"

Tumingin siya sa akin at napabuntong hininga.

"Hinihintay ka ni sir."

Inunahan ko na si Echo pumasok sa loob ng opisina. Lalapitan ko sana si Neon pero natigilan ako nang makita si Tita Belle at Tito Jameson na nandoon rin. Ngayon ko lang din napansin na may dalang tsaa si Echo at naglagay sa harapan nilang tatlo.

"Amber," tawag sa akin ni tita.

She seems unbothered with the mess happening now. Her lips are beautifully painted red, and her usual style is on point.

"Pa-pasenya na po kung du-dumating ako nang biglaan gusto ko lang—"

"Mas mabuti ngang nandito ka para marinig ko mula sa'yo ang totoo," pagputol niya ng sinasabi ko. "Binayaran ba talaga kita para iwan ang anak ko?

Amber's Abode (Hotel Duology One)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang