Chapter 16

31 3 17
                                    

Chapter 15
Feelings


"Kailan balik n'yo ni Roxanne sa Cebu?" tanong ni Roxanne habang kumakain ng popcorn.

Hinihintay pa namin si Ace na matapos sa niluluto niyang nachos. Nagyaya kasi ang buntis na mag-movie marathon, celebration daw na malaya na ako sa buhay. I cannot refuse her since its been so long since we had this kind of bonding. We invited Roxanne to join us for this movie marathon night but she want to rest early.

"Before June sana makabalik kami."

"Pero balik ka ulit kapag binyag na 'ha? Ikaw ninang nito," sabi ni Lorraine at hinimas ang tiyan niya.

Natawa naman ako. "Of course, I will be back then."

"Yey!"

"Hindi pa umaalis si Amber, pinapabalik mo na," komento ni Ace nang makabalik na galing sa kusina. Nilapag niya ng bagong lutong nachos sa center table. "Mainit pa 'yan."

Tumabi si Ace sa asawa niya at kinuha ang remote ng TV.

I took a piece of chips and scoop a little bit of meat and salsa. This is one of the things I will miss, Ace's food.

"What movie should we watch—"

Natahimik kaming lahat nang biglang may mag-doorbell. Tumayo si Ace para alamin kung sino 'yon. Are we expecting someone tonight?

"May delivery kayo?"

"Hindi pa ngayon delivery nung online order ko," sagot ni Lorraine habang chine-check ang cellphone niya.

"Bisita?"

Umiling siya. "Sino naman pupunta? 'Tsaka kung—teka baka si..." tumingin sa akin at ngumiti. "Baka si...bebe mo ulit!"

Hinampas ko siya nang bahagya. Hindi naman Pampanga to Manila ang biyahe from Cebu to Pampanga na pwedeng araw-arawin.

"Gusto mong nalugi ang hotel namin? Imposibleng si Xajin 'yan."

"Hindi nga si Xajin. Delivery lang," napatingin kami sa bumalik na may dalang bulaklak. "Para raw kay Ms. Amber Concepcion."

"Huh?"

Umayos ako nang upo at kunot noong tinggap ang bulaklak na ipinadala. My favorite flower and pink roses. Chineck ko ang card at may nakasulata ro'n.

I hope you're doing well.

I immediately recognized who this is from because of the smiley face with heart blushes drawn on it. I taught him that doodle.

"Kanino galing?" tanong ni Ace nang makaupo na sa tabi ni Lorraine.

"Ah..ano kay...kay Tyler! Sa asawa ni Roxanne. Nagtanong sa akin kung anong address para mapadala ng bulaklak ang asawa niya," palusot ko para hindi na sila magtanong. "Nakalimutan niya sigurong pinalitan yung pangalan."

"Ay ang sweet naman ng hubby ni Rox!" kinikilig na sambit ni Lorraine. "Hindi tulad ng isa riyan!"

"Love, hindi makakain 'yan. I rather cooked everything you crave than buy you flowers," paglalambing naman ng asawa niya.

Natawa naman ako sa PDA nila sa harapan ko. "Ipasok ko muna sa kwarto ko baka tulog na si Rox."

I excused myself and immediately went to my room. I closed the door and put the flowers on my desk. This is the third gift he gave to me this week.

Umupo ako sa kama. Napatingin ako sa dalawang paper bag sa gilid ng desk ko. Parehong galing sa isang high end brand. Kahapon dumating pero hindi ko pa binubuksan dahil balak kong ibalik sa kaniya. I was lucky Ace and Lorraine were away and I was not bombarded with questions.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now