Chapter 27

6 0 2
                                    

Chapter 27
Sisters

The following day I visited the construction site for onsite documentation of the building. I took several photos and sent them to my team in Cebu. I had an idea na sali rin nila sa upcoming gallery to serve as symbolism. A symbol that reflects the hard work and growth of the hotel attained through the years. Pwede rin siya as a promotion for the future image of Amber's Abode in the market at baka maging opportunity para sa interested clients.

Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili ko 'to pero hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala. I feel like I am lying down on the softest clouds. In span of five months, everything happened feels so surreal. Parang nananaginip ako nang gising tuwing naalala ko lahat ng mga nangyari.

From a business standpoint up to my personal life. Kung ikukwento ko 'to sarili ko five years ago baka isipin niyang nasisiraan na ako ng bait.

Umayos ako ng upo sa para abutin sa table ang phone ko. Kanina pa ako nagpapahinga sa loob ng tent pagkatapos akong i-tour ng foreman sa ibang parte ng hotel.

Agad akong napangiti nang makita ang pangalan ni Neon sa screen.

"Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kaniya.

"Busy ka ba?" tanong naman niya pabalik.

Umiling ako kahit 'di naman niya nakikita. "Nasa site kasi ako ngayon pero uuwi na rin maya-maya."

"Good. Sakto palang tumawag ako sa'yo," may ngiti sa boses niya. "Do you have appointments tonight? Pwede ba kitang sunduin?"

"Wala naman pero ikaw baka may trabaho ka pa?"

"Makakapaghintay 'yon," sagot niya at narinig ko siyang humagikhik sa kabilang linya.

"Neon, kahit na ikaw ang boss huwag mong abusuhin ang posisyon mo. Ikaw ang role model ng mga empleyado mo, be responsible!"

"Sorry po ma'am! Mas priority ko po kasi ang maging responsible boyfrined," palusot pa niya sa akin. "Basta I'll be there, okay? Sunduin ktia!"

"Neon—" aangal pa sana ako pero agad niyang binaba ang tawag.

Yes, I want to be spoiled but not to the point he will choose me over the proper management of Casa Ledesma. Baka bigla magbago na naman ang pakikitungo ni Tito Jameson at Tita Belle sa akin kapag nakita nilang palugi na sila. Neon talaga, oh.

Saktong nilagay ko ang phone sa bag ko annag tumunog ulit ito. Kinalkal ko at inabot baka si Neon na naman. Pero naglaho ang ngiti ko nang makita ang pangalan ng taong walang paramdam sa amin.

"Dylan."

"Long time no talk, Amber," kahit wala siya sa harapan ko nakikita ko ang ngisi niya. "Kumusta na?"

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ko.

I don't know how to approach him once we see each other in the flesh. Everything he had done to us already tainted his image to me. How come he became the best friend of Neon but never truly embodied one? Idagdag pa ang sinabi ni Echo sa akin, I think I don't know him anymore.

"Wrong timing ba ang pagtawag ko?"

"Walang good timing kung ikaw ang tumawag, Dylan. I don't trust you anymore," deretsahang sabi ko. "Siguro naman nabalitaan mo ang nangyari kay Eunice?"

Nanahimik niya pero narinig ko ang malalim niyang paghinga.

Look, I was not in the right mind that time. Gusto ko lang naman kasi maging masaya si Neon," aniya na parang sising-sisi sa mga nangyari. "You know what I would love to treat you for a lunch date or dinner date para makabawi ako sa mga maling nagawa ko."

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now