Chapter 29

5 0 4
                                    

TW: Sexual Harassment! Please read at your own risk!

---

Chapter 29
Wound

I vowed to myself it was my turn to help Neon. I have to do that duty whatever happens.

Taas noo akong naglalakad patungo sa elevator ng condominum building kung saan nakatira si Echo. Kung gusto namin magsalita at marinig kay Dylan ang gusto namin marinig kailangan may plano kami. We should do this plan properly.

Nag-doorbell ako nang makarating ako sa bahay niya. Pinagbuksan niya ako at niyaya sa loob. Sinundan ko siya hanggang sa receiving area niya at umagaw sa atensyon ko ang isang malaking aquarium na may dalawang isdang lumalangoy. Malinis at amoy mamahalin iisipin mo walang nakatira rito.

"Ito juice," binaba niya sa coffee table ang inumin nang makaupo ako sa sofa. Umupo rin siya sa gilid ko. "Sigurado ka ba sa plano mo?"

Tumango ako at ngumiti. "Siya ang tumawag para makipagkita at humingi ng tawad. Makikinig ako sa kaniya 'tsaka ko itatanong kung may kinalaman ba siya kay Eunice at Enrico. It's easy."

"Amber, hindi ako nakikipagbiruan. Kilala natin si Dylan—ikaw mismo sinaktan niya 'di ba? Baka hindi siya makipag-cooperate sa atin," aniya.

"I'm being optimistic here, Echo. Oo, wala na akong tiwala sa lalaking 'yon pero paano kung aminin niya yung totoo? It's not impossible," paniniguro ko sa kaniya.

"Pero fifty-fifty na bigla na lang siyang aaminin? It's Dylan we are talking about! May plan B ka ba in case na hindi siya sumunod sa gusto natin?" kunot noong tanong niya.

Huminga ako ng malalim, 'di pa rin inaalis ang ngiti sa labi. May hinugot ako sa bag at inabot sa kaniya.

"Iyan ang back up plan ko."

Ininspeksyon niya ang binigay ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa binigay ko at sa akin. Napataas pa siya ng kilay na parang niloloko ko siya.

"Ano 'to? Phone? Para saan?"

Yumuko ako para hubarin ang platform shoes na suot ko. May kinuha ako sa loob na maliit na cube.

"May tracking app sa phone na 'yan para ma-locate mo ako. And this," winagayway ko ang hawak ko. "This is the GPS tracking device na ilalagay ko sa sapatos ko just in case kailangan kong magpa-kidnap kay Dylan kung 'di siya magsasalita."

"Anong kidnap?! Hindi! Hindi pwede! Delikado 'yon, Amber!" pagtutol niya sa balak ko.

Tumango ako nang dahan-dahan. "I know and that's the plan. Kilala ko si Dylan mataas ang tingin niya sa sarili. He will only confess when he thinks and feels he is winning. Ididiin kong may kinalaman siya kay Enrico at Eunice, once he's bothered by it he will eventually want to shut my mouth."

Hindi pa rin kampante si Echo sa plano ko.

"Echo, we need to do this for Neon."

"Pero paano kung may gawin sa'yo? Patayin ka? Should I call the police? Or tell Sir Neon?"

"Don't tell them yet. Hindi pa natin alam kung kikidnapin niya ako o hindi. Kailangan muna natin malaman saan niya ako dadalhin," sambit ko at napatingin ulit sa aquarium. "Before sunset, kung hindi mo ako matawagan o hindi pa rin ako tumatawag then call the authorities. Promise, babalik ako nang buhay sa inyo."

That was all our plans. And I hope Echo was able to execute it.

I don't want to die without saying goodbye to the people I love. I promised Lorraine and Ace I would be part of their growing family. I have duties to fulfill as Xajin's business partner. I promised Echo na babalik akong buhay sa kaniya. And...and Neon...I don't want to leave him again.

Amber's Abode (Hotel Duology One)Where stories live. Discover now