Kapalit ni Ina

701 10 5
                                    

Kapalit ni Ina

Isinulat ni Aymadrimer


"'Tay, kailan babalik si Nanay?" umiiyak na tanong ng dalaga sa kaniyang ama. "Magpapasko na, wala pa rin siya."

"Anak, hindi na babalik sa atin ang nanay mo. Gano'n talaga 'pag nagtatrabaho ang kapamilya mo sa ibang bansa, hindi na bumabalik. Malamang may iba na siyang pamilya," sagot ng tatay nito na siyang nagpahagulgol sa dalaga.

"Gwen, nandito naman ako. Kahit wala ang nanay mo, nandito naman si Tatay, 'di ba?" tanong ng kaniyang ama habang hawak-hawak ang malaking tiyan ng anak. "Hayaan mo, magtatrabaho ako para may pambayad tayo sa mga gastusin sa pagpapanganak mo sa anak ko."

#KarakathaKapalitniIna

KarakathaWhere stories live. Discover now