Alimango

51 4 4
                                    

Alimango
Ni Aymadrimer

"Masamang manghatak ng iba, pababa," madiing sabi sa akin ng kaklase kong nangunguna sa klase.

Napayuko ako't nahiya sa sinabi niya. Wala na kasi akong maisip na paraan. Ito kasi ako, hindi katalinuhan at 'di rin mayaman. Nasa kalagitnaan lang ako ng klase namin, at ni minsan, hindi man lang ako nasabitan ng medalya. Napakalayo ng agwat naming dalawa. Matalino siya, mayaman at maganda. Kumpara sa kaniya, walang-wala ako.

"Pasensya na, 'di ko na kasi alam ang gagawin ko para bumagsak ka. Patawarin mo ako sa panghahatak sa iyo pababa. Hindi ko na kasi alam kung paano ka babagsak," naluluha kong panghihingi ng tawad sabay kuha ng kaniyang dalawang kamay at muling nagsalita. "Patawad, langit ka kasi at lupa ako. Ginawa ko lang naman 'yon, para mahulog ka sa pag-ibig ko."

#KarakathaAlimango

KarakathaWhere stories live. Discover now