Trabaho

194 6 3
                                    

Trabaho

Isinulat ni Aymadrimer

Nasa ika-sampung baitang na si Jose pero nalilito pa rin siya sa pagpili ng kukuhanin niyang kurso. Hindi niya alam kung ano ang gusto niya maging.

"Magpulis ka na lang, 'Nak, tularan mo ang tatay mo. Ayaw kong tumulad ka sa akin," payo ng nanay niya. Lagi niya itong sinasabi kay Jose. Lagi niyang sinasabi na huwag siyang gumaya sa kaniya na hindi nakapagtapos sa pag-aaral at Grade 3 lang ang inabot. Kaya heto't ang pagiging maybahay lang daw ang alam niya. Wala siyang alam na ibang trabaho, kaya ang mga gawaing bahay lang ang ginagawa niya.

"Anak, kahit ano ang piliin mo, ayos lang. Pumili ka ng naaayon sa kagustuhan mo. Ikaw na ang bahala," sabi naman ng tatay niya.

Natuwa si Jose matapos niyang marinig ang mga ito sa magulang niya. Ngayon, alam niya na ang gagawin niya. Susundin niya ang payo ng tatay niyang pulis. Pipiliin niya ang gusto niya, ang maging housewife.

#KarakathaTrabaho

KarakathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon