Bagay sa Kamay

57 4 4
                                    

Bagay sa Kamay
Ni Aymadrimer

Nasa tindahan ako ng mga relo kanina, at ang pogi ng tindero. Grabe, nuknukan talaga ng kaguwapuhan!

"Ang ganda naman po nito," sabi ko sabay kuha ng relong inabot niya at sinuri kunwari. "Bagay 'to sa kamay ko kasi mas lalong lalabas 'yong kaputian ko," dagdag ko habang nakangiti at agad ring ibinalik sa kaniya ang relos.

"Ito pa! Galing naman nito," manghanga kong sabi sa kaniya nang inabot niya ang huling relo na ipinakita sa akin. "Bagay po 'to sa kamay ko, parang ang classy kong tignan, 'no?" tanong ko pa.

"Oo naman po, Miss. Hehe. Ano po'ng bibilhin n'yo?" tanong niya.

"Ito oh! Ayos 'to! Gusto ko 'to!"  sabi ko sabay kuha ng kamay niya at hinawakan ito nang mahigpit.

"Bagay 'to sa kamay ko."

#KarakathaBagayssaKamay

KarakathaWhere stories live. Discover now