Regalo sa Kasal

173 5 3
                                    

Regalo sa Kasal

Isinulat ni Aymadrimer


"Mabuhay ang bagong kasal!"

Tapos na ang seremonya at rinig na rinig ang hiyawan at palakpakan ng mga bisita mula sa loob ng simbahan. Tumayo ako at naiiyak na pumalakpak din habang nakatingin sa bagong magkabiyak kung saan ang babae ay ang aking bunsong kapatid.

Masaya ako para sa aking kapatid dahil napakasalan niya na ang lalaking kaniyang minamahal ngunit hindi matutumbasan ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman kong balita. Isa itong biyaya sa akin ng Panginoon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng aking pamilya.

Lumapit ako sa bagong kasal at hinarap ang aking kapatid. Yinakap ko ito't binulungan, "Pagbati sa iyo, Bunso. Kainis ka! Naunahan mo pa ako magpakasal."

Hinarap ko naman ang kaniyang asawa at yinakap ito. Bumulong ako, "Pagbati rin sa iyo, buntis ako. Ikaw ang ama."

#KarakathaRegalosaKasal

KarakathaWhere stories live. Discover now